^

PSN Opinyon

‘Diktador’ ang persepsyon ng tao kay Pres. Gloria

- Al G. Pedroche -
LAGI nating binibigyang-diin ang kahalagahang iwaksi muna ang politika at suportahan si Presidente Arroyo sa pagtataguyod ng mga programang malaon nang naudlot at ang naghihirap ay ang taumbayan. Pero paanong magagawa ito kung sa gitna ng paghihirap ng tao ay "diktador" ang tingin nila sa Pangulo? Kung gusto ng Pangulo na makuha ang suporta ng bayan, ang unang-unang dapat gawin ay iwasang maitulad siya sa diktaduryang rehimen ni Ferdinand Marcos.

Kailangang ibalik ang policy of maximum tolerance laban sa mga nagra-rally laban sa administrasyon at ibasura ang tinatawag na calibrated preemptive response (CPR) na walang sinasanto kahit na mga obispo at pari pa ang nangunguna sa mga ito.

Top story
natin sa PSN kahapon ang pagsibak kay Manila Police District Supt. Florencio Ortilla dahil siya diumano ang nag-utos na tirahin ng water cannon ang mga nagsipagraling mga pari at militanteng grupo kasama na si dating bise Presidente Tito Guingona, Sen. Jamby Madrigal at Rep. Satur Ocampo nung Biyernes ng gabi. Ano’ng ibig palitawin ng administrasyon? Naghuhugas-kamay ba ito porke’t nagkaroon ng masamang reaksyon ang bayan sa pangyayaring ito?

Tuwing gagamitin ang CPR, talagang pangit ang magiging impresyon ng publiko sa administrasyon. Ang administrasyong may mabuting intensyon ay handang makinig sa hinaing ng bayan. Bukas ang tenga upang pakinggan ang saloobin ng mga tao at handang ituwid ang ano mang kamalian nito para sa kapakanan ng bansa.

For the good of the President,
kailangang ibalik ang maximum tolerance para hindi siya tawaging diktador. Mabuti pa nga si Marcos. Naturingang diktador pero hindi pinabayaan ang taumbayan sa wastong paghahatid ng mga pangunahing serbisyo at pangangailangan. Ngayon, marami ang nagugutom sa tindi ng krisis sa kabuhayan. Paano mo maaasahan ang tao na sumuporta sa Pangulo?

vuukle comment

ANO

FERDINAND MARCOS

FLORENCIO ORTILLA

JAMBY MADRIGAL

MANILA POLICE DISTRICT SUPT

PANGULO

PRESIDENTE ARROYO

PRESIDENTE TITO GUINGONA

SATUR OCAMPO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with