May paalaala sa atin ang Ebanghelyo para sa araw na ito (Mateo 22:15-21).
Umalis ang mga Pariseo at pinag-usapan kung paano nila masisilo si Jesus sa kanyang pananalita. Kaya pinapunta nila sa kanya ang ilan sa kanilang mga alagad, kasama ang ilang tauhan ni Herodes. Sinabi nila, "Guro, nalalaman naming ikaw ay tapat, at itinuturo mo nang buong katotohanan ang ibig ng Diyos na gawin ng mga tao. Ano po ang palagay mo? Naaayon ba sa Kautusan na bumuwis si Cesar, o hindi?" Ngunit batid ni Jesus ang kanilang masamang layon kaya sinabi Niya, "Kayong mapagpaimbabaw! Bakit ibig ninyo akong siluin? Akin na ang salaping pambuwis." At binigyan ng isang denaryo. "Kaninong larawan at pangalan ang nakaukit dito?" tanong ni Jesus. "Kay Cesar po." Sinabi ni Jesus "Kung gayon, ibigay ninyo kay Cesar ang kay Cesar, at sa Diyos ang sa Diyos." Namangha sila nang marinig ito, at silay umalis.
Kung nauunawaan natin na tayoy nilikhang kalarawan ng Diyos, samakatuwid ang ating dapat na mga gawain, kilos at pamumuhay ay maka-Diyos at para sa Diyos. Ang mahirap, at nagiging problema, ay kung tayo mismo ay nagkakaroon ng ibang diyus-diyosan, o di kaya namay nag-aasta na animoy isang diyos.
Iadya sana tayo sa mga ganitong uri ng pag-uugali at pamumuhay. At ibigay sa Diyos, na ating Tagapaglikha, ang tunay na paggalang, pagdakila at pagmamahal.