^

PSN Opinyon

Hiling ng readers tungkol sa eclampsia

WHAT’S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
NOONG September 4, 2005, inilathala ko sa column na ito ang tunay na edad na ina na nagkaka-eclampsia. Maraming PSN readers ang humiling na muli kong ilathala ang tungkol doon. Narito po para sa inyong impormasyon.

Hanggang ngayon, tinutuklas pa kung ano ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng eclampsia sa panahong ang babae ay nagbubuntis. Karaniwang nangyayari ang eclampsia sa unang pagbubuntis at sa mga sumusunod na kadahilanan: Kung ang babae ay may edad na, siya ay mataba, may mataas na blood pressure, diabetic at kung ang dinadala niya sa sinapupunan ay kambal o yung tinatawag na Rhesus-compatible baby.

Ang eclampsia ay convulsion sa panahong buntis ang babae at apektado ang kanyang cardiovascular system.

Unang palatandaan ng eclampsia ay ang pagtaas ng blood pressure, pananakit ng ulo, pamamaga ng bukung-bukong at ang hindi maipaliwanag na pagbigat ng timbang. Ang eclampsia ay makukumpirma kapag nakita sa ihi ang protein. Kapag hindi nagamot ang eclampsia, kasunod na rito ang convulsion. Kadalasang natutuklasan ang eclampsia kung ito ay nasa early stages kaya ang tawag dito ay pre-eclampsia.

Nararapat ang lubusang pamamahinga sa may eclampsia at ang maingat na pagmonitor sa fetus. Kapag lumala ang sitwasyon, dapat nang isagawa ang emergency Caesarian section.

Walang katotohanan na namamana ang eclampsia. Inirerekomenda sa mga nagbubuntis na ireport sa midwife o doktor ang mga kondisyon o history sa kanyang pamilya.

Ipinapayo sa mga kababaihan na mag-take ng normal salt diet at uminom nang maraming tubig. Ang matinding kumplikasyon ng eclampsia ay pagbaba ng platelet count ng dugo kung saan nagiging dahilan ng blood clotting. Ang eclampsia ay maaari ring umatake ilang araw matapos makapanganak pero 25 porsiyento lamang ang nangyayaring ganito.

ECLAMPSIA

HANGGANG

INIREREKOMENDA

IPINAPAYO

KADALASANG

KAPAG

KARANIWANG

KUNG

MARAMING

NARARAPAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with