^

PSN Opinyon

Sayang ang magandang pangalan ni Jaylo, he-he-he!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
KARMA nga bang naituturing ang sinapit ng Presidential Anti-Illegal Recruiter Task Force o mas kilalang Task Force Hunter matapos na maaresto sa pangungotong sa isang negosyante? He-he-he! Sayang ang sinimulan ng grupong ito na may malaking papel na gumanap upang masakote ang mga illegalista sa ating bansa at mabigyan ng hustisya ang mga nalinlang ng mga berdugong illegal recruiter.

Nalagay sa malaking kahihiyan ang Task Force Hunter nang masakote ng mga ahente ng National Bu-reau of Investigation ang 11 miyembro nito sa isinagawang intrapment operation sa isang kilalalang restaurant sa Pasig City habang inaabot ang mark money sa isang negosyanteng Pinoy.

Sa wakas nagbunga rin ang pagtitiyaga ng mga ahente ng NBI sa pagsubaybay sa mga illegal na lakad (tira pasok) ng mga tauhan ni dating police captain Reynaldo Jaylo sa mga negosyante sa ating bansa at maging sa mga dayuhan. Di naman kaila sa inyo mga suki, madalas ko rin itong isulat sa aking column noong mga nakalipas na buwan dahil sa mga reklamong ipinaabot ng mga turistang Hapones at Koreano na kanilang biktima.

Ayon sa aking espiya, lumapit si Jon Hernandez sa tanggapan ng NBI upang humingi ng tulong dahil sa malaking halaga ang nais ng mga tauhan ni Jaylo kapalit ng kanyang kalayaan at hindi na siya guguluhin sa kanyang negosyo. Malaking halaga na ang ibinigay ni Hernandez sa mga ito ng kanilang hulihin kaya napilitan na siyang lumapit sa NBI nang muling humingi ng P200,000.

Kaagad na binuo ang operasyon ng magkasanib na puwersa ng Intelligence Service Operation Division at Special Task Force ng NBI at agad na nagtungo sa isang fastfood sa Shangrila Plaza Mall, EDSA, Mandaluyong subalit di natuloy kaya lumipat sila ng Pasig City sa loob ng Marikit Restaurant at doon naisakatuparan ang operasyon. Napilitan ang mga ahente ng NBI na humingi ng tulong sa SWAT ng Eastern Police District matapos makumpirma na pawang mga armado ang grupo ng Hunters.

Matapos na abutin ang salapi mula kay Hernandez ay agad na lumapit ang apat na NBI agent at agad na inaresto ang mga ito, sabay lapit pa ng ilang mga ahente at mga SWAT police na nakatutok ang mga baril. Siyempe mga suki, maraming customer at empleyado ang natakot sa naturang eksena, he-he-he! Hindi na nagawang pumalag pa ng mga Hunters ng matantya nilang marami sa kanila ang malalagas sa oras na kumasa pa sila. Agad na dinala ang mga ito na kinabibilangan ng walong pulis at tatlong sibilyan sa NBI headquarters, Manila.

Kinabukasan, nakapanayam ng ilang reporter si Capt. Jaylo paglabas sa opisina ni NBI Assistant Director Nestor Mantaring at kanyang tinuran na missed communication lamang umano ang nangyari sa kanyang mga tauhan. Kinumpirma rin ni Jaylo na kabilang si Romy Noriega at Santiago sa mga naaresto at kasalukuyang naka-hold sa opisina ng NBI-ISOD.

Sinabi rin ni Jaylo sa mga reporter na bagamat paso na ang Task Force Hunter noon pang Hulyo ay director pa rin siya ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) kaya may karapatan pa rin siyang tumulong sa mga biktima upang hulihin ang mga illegal recruiter. He-he-he.

Sayang ang magandang pangalan ni Jaylo na kinakatakutan ng mga kriminal noong siya’y aktibong pulis at NBI. Nawala rin ang pag-asa ng mga biktima ng illegal recruiter na makamit ang hustisya.

ASSISTANT DIRECTOR NESTOR MANTARING

EASTERN POLICE DISTRICT

HERNANDEZ

INTELLIGENCE SERVICE OPERATION DIVISION

JAYLO

JON HERNANDEZ

NBI

PASIG CITY

TASK FORCE HUNTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with