^

PSN Opinyon

Smuggling malala sa Pinas!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
HINDI pala biro ang smuggling operations sa Pinas sabi ni Jess Arranza, Prez Federation of the Philippine Industries Inc. at miyembro ng Cabinet Oversight Committee on Anti-Smuggling ng Malacañang. May listing na si Jess ng mga economic saboteurs sangkatutak toits.

Si Jess, kasi ay nagsalita sa Meet the Press sa National Press Club, sa Intramuros kahapon para magbigay ng mga kuru-kuro regarding smuggling operations sa bansa. Guest din si BoC Deputy Commissioner for Intelligence and Enforcement Gallant Soriano.

Nakakapanggigil ang mga narinig ng mga kuwago ng ORA MISMO, na lumabas sa mouth ni Jess tungkol sa mga smugglers kaya dapat lang talagang sisihin ang sangkatutak na bugok sa bureau. Sabi nga, hindi puwedeng magpalusot ng kargamento kung walang kasabwat na tao sa BoC. Ika nga, may matinding connivance!

Bagsak as in BAGSAK ang revenue collection sa BoC hindi biro ito at nakaka-alarma. Ika nga, administration ni Prez GMA ang masisisi dito bandang last! Maraming sinabi at ibinulgar si Jess sa pulong pero hindi ko na hihimayin at ilalabas ito dahil mauubos ang espasyo ng Chief Kuwago. Basta ang sabi ni Jess, may ginagawa na ang gobyerno regarding smuggling operations at ang grupo nila. Ano kaya iyon ang tumara? He-he-he!

Kasama pala ni Jess ang Task Force Anti-Smuggling na pinamumunuan ni DILG Secretary Angie Reyes kaya gumagawa pala sila ng mga matinding rekomendasyon kay pang-gulo este mali Pangulo pala GMA to abate smuggling activities sa Subic, Batangas, Cebu, POM, MICP at halos lahat na yata ng puerto sa Pinas.

Sa ngayon ani Jess, binabalangkas nila at hinihimay ang kagaguhan sa bureau may listahan siyang hawak na mas mahaba pa sa pantalon niyang suot na mga pangalan ng mga bugok sa aduana.

‘‘Simple lang para mawala ang smuggling sa Pinas?’’ sabi ng kuwagong suki ng ukay-ukay.

‘‘Paano kamote?’’ tanong ng smuggler ng tiles at resins.

‘‘I-computerized ang bureau kaparis ng mga banko,’’ anang kuwagong smuggler ng Korean vans.

‘‘Kailangan lang ng political will para labanan ang smuggling,’’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Ang problema lang natin masyado tayong mamulitika tulad ng kinatatakutang Kamag-anak Incorporated sa aduana.’’

‘‘Iyan ang dapat walisin ni Prez Gloria Macapagal-Arroyo kung talagang sincere siya sa pagbaka sa kalabaw este mali smuggling pala.’’

‘‘Iyan ang hihintayin namin Jess!’’

CABINET OVERSIGHT COMMITTEE

CHIEF KUWAGO

DEPUTY COMMISSIONER

IKA

INTELLIGENCE AND ENFORCEMENT GALLANT SORIANO

IYAN

JESS

JESS ARRANZA

SMUGGLING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with