^

PSN Opinyon

Mahilig ka ba sa maalat?

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
MARAMING Pinoy ang mahilig sa maalat na pagkain. May asin na ang pagkain ay one-to sawa pa sa pagbuhos ng patis at toyo. Napag-alaman na mas maraming nagkaka-alta presyon dahil sa mahilig silang kumain ng maalat.

Ayon kay Dr. Eva Obarzanek, nutritionist sa National Heart, Lung and Blood Institute sa America, kapag binawasan ang salt intake malaking puntos para makaiwas sa maraming sakit. Isang pag-aaral ang isinagawa kung saan 412 katao ay pinaghiwalay sa dalawang grupo na sumailalim sa low-salt diet sa loob ng 14 linggo. Ang unang grupo ay binigyan ng tinatawag na average American diet na binubuo ng roast beef, ham and turkey, mga sweets at sariwang prutas. Ang pangalawang grupo naman ay ang diet ay mayaman sa gulay at prutas.

Ang bawat diet ay may parehong amount of salt at napatunayan na dahil sa kaunting bahagi ng asin sa pagkain ay natala ang pagbaba ng percentage ng systolic at diastolic pressures.

Sa mga sumali sa dalawang grupo karamihan sa kanila ay may high blood pressure. Ayon kay Dr. Eva Obarzanek dapat na ugaliing maging moderate lang ang salt intake at huwag na huwag maglagay sa mesa ng anumang salt shaker.

AYON

DIET

DR. EVA OBARZANEK

GRUPO

ISANG

LUNG AND BLOOD INSTITUTE

NAPAG

NATIONAL HEART

PINOY

SALT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with