"Kawawa kayo, mga Pariseo! Ibinigay ninyo ang ikapu ng yerbabuena, ng ruda at ng iba pang gulayin, ngunit kinaliligtaan ninyo ang katarungan at ang pag-ibig sa Diyos. Tamang gawin ninyo ito ngunit huwag naman ninyong kaligtaang gawin ang mga iba.
"Kawawa kayo, mga Pariseo! Sapagkat ang ibig ninyoy ang mga tanging luklukan sa mga sinagoga, at ang pagpugayan kayo sa mga liwasang-bayan. Sa aba ninyo! Sapagkat para kayong mga libingang walang tanda, at nalalakaran ng mga tao nang hindi nila nalalaman.
Sinabi sa kanya ng isa sa mga dalubhasa sa Kautusan, "Guro, sa sinabi mong iyan pati kamiy kinukutya mo." Sinagot siya ni Jesus, "Kawawa rin kayo, mga dalubhasa sa Kautusan! Sapagkat ipinapapasan ninyo sa mga tao ang mabibigat na dalahin, ngunit ni daliriy ayaw ninyong igalaw sa pagdala ng mga iyon."
Kung pisikal na narito ngayon si Jesus, sino kaya ang itinuturing niya ngayon na makabagong Pariseo? Tayo kayay mga uri ng tao na nagpapakitang-gilas lamang ng ating kabutihan upang purihin ng iba? Tayo kayay mga taong nagiging dahilan upang ang ibang tao ay mabigatan sa mga problemang kanilang dinadala?
Huwag sana nating tularan ang mga Pariseo, nang sa ganoon ay di tayo makondena ni Jesus.