^

PSN Opinyon

Huwag tularan

ALAY - DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
ANG madalas nating mabasa sa Ebanghelyo ay ang mga katangian ni Jesus na mapagmahal at malumanay. Subalit sa araw na ito, matutunghayan natin sa Ebanghelyo ang isang katangian din ni Jesus – ang kanyang pagpapamalas ng inis at pagkutya sa mga nagpapahirap sa ibang tao (Lukas 11:42-46).

"Kawawa kayo, mga Pariseo! Ibinigay ninyo ang ikapu ng yerbabuena, ng ruda at ng iba pang gulayin, ngunit kinaliligtaan ninyo ang katarungan at ang pag-ibig sa Diyos. Tamang gawin ninyo ito ngunit huwag naman ninyong kaligtaang gawin ang mga iba.

"Kawawa kayo, mga Pariseo! Sapagkat ang ibig ninyo’y ang mga tanging luklukan sa mga sinagoga, at ang pagpugayan kayo sa mga liwasang-bayan. Sa aba ninyo! Sapagkat para kayong mga libingang walang tanda, at nalalakaran ng mga tao nang hindi nila nalalaman.

Sinabi sa kanya ng isa sa mga dalubhasa sa Kautusan, "Guro, sa sinabi mong iyan pati kami’y kinukutya mo." Sinagot siya ni Jesus, "Kawawa rin kayo, mga dalubhasa sa Kautusan! Sapagkat ipinapapasan ninyo sa mga tao ang mabibigat na dalahin, ngunit ni daliri’y ayaw ninyong igalaw sa pagdala ng mga iyon."


Kung pisikal na narito ngayon si Jesus, sino kaya ang itinuturing niya ngayon na makabagong Pariseo? Tayo kaya’y mga uri ng tao na nagpapakitang-gilas lamang ng ating kabutihan upang purihin ng iba? Tayo kaya’y mga taong nagiging dahilan upang ang ibang tao ay mabigatan sa mga problemang kanilang dinadala?

Huwag sana nating tularan ang mga Pariseo, nang sa ganoon ay di tayo makondena ni Jesus.

DIYOS

EBANGHELYO

GURO

HUWAG

KAUTUSAN

KAWAWA

PARISEO

SAPAGKAT

TAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with