Ang Ayurveda o "Siyensiya ng Buhay" ay isang paraan ng pagpapagaling na nagmula pa sa India. Sa naturang paraan, tinitingnan nito ang kabuuang kalagayan ng tao katawan, isip at kaluluwa upang ugatin ang pinagmumulan ng karamdaman. Ito ay mas nauna pa o mas matanda pa kaysa sa Traditional Chinese Medicine, at sinasabing nakaimpluwensiya sa mga panggagamot o medisina ng mga Greek at Romano na kung saan nagmula ang kinikilala natin ngayon na Western medicine. Kung kayat ang Ayurvedic Healing ang tinatawag na "Ina ng Natural na Pagpapagaling."
Ang nasumpungan naming klinika ay ang Sandhi Ayurveda Clinic na isa ring lugar ng pananaliksik. Ang klinikang ito ay pinamamahalaan ni Rev. Dr. Jacob Gnalian, isang paring Katoliko ng Missionaries of the East, may Ph.D, at isang practitioner ng Ayurvedic healing.
Ang layunin ng naturang klinika ay maglaan ng isang programang pangkalusugan para sa mga taong salat na matustusan ang kanilang mga problemang pangkalusugan. Ang mga gamot sa naturang klinika ay nagmula pa sa mga kilalang kompanya na mga pagawaan ng gamot sa India, at ang mga Missionaries of the East ay nakakuha rin ng pahintulot ng ating lokal na BFAD (Bureau of Food and Drugs) upang mag-angkat ng mga gamot mula sa India para sa gawaing pagpapagaling ng mga naturang misyonero dito sa Pilipinas.
Ang naturang klinika ay nagtuturo rin ng yoga, mga kaparaanan ng pagpapalakas o pagpapasigla ng katawan, isip at kaluluwa, mga tamang paraan ng pagkain at paggagamot sa ibat ibang uri ng sakit. Ang Sandhi Ayurveda Clinic ay matatagpuan sa 414 Calbayog Street, Mandaluyong City, tel. nos. 531-0559 o 7172877.