Ang goiter para sa hindi pa nakaaalam ay ang paglaki ng thyroid gland. Bihira ang kaso ng goiter sa developing world at karaniwang nagkakaroon lamang ay ang may kakaunting in-take ng iodine. Dapat ma-increased ang pagkunsumo sa iodine para sa thyroid hormones. Sa mga developed na bansa, ang goiter ay sinasabing resulta ng auto-immune diseases na sumisira sa functioning ng thyroid gland. Ang hypothyroidism ang tawag sa underactive thyroid gland na nagiging dahilan sa pagbagal ng metabolism. Makadarama ng panghi- hina, makakalimutin, pagbigat ng timbang, sensitive sa lamig at nanunuyo ang balat at buhok ang sintomas nang may mababang iodine.
Nararapat na dagdagan ang konsumo ng iodine para maiwasan ang ganitong problema. Mayaman sa iodine ang isda, seaweed, itlog, yoghurt, keso at iodize salt. Mahusay din ang repolyo, singkamas, mani, mustasa at mga matatamis na pagkain. Nagagawa ng mga pagkaing ito na magamit ang iodine para sa production ng thyroid hormones.