Batay sa bilihang ito, nakakuha ng TCT 202295, 202296 at 202297 ang GDC sa nasabing dalawang lupa kasama pa ang ibang karatig lupang nabili rin nila.
Makaraan ang 34 na taon o noong July 13, 1998, inaangkin ng 50 apo nina Pablo at Antonio ang dalawang lupa. Sinabi nila sa adverse claim na sinumite nila sa Register of Deeds na may-ari rin daw sila ng nasabing mga lupa bagamat ang dating mga titulo nito ay nakapangalan lang sa kanilang mga lolo at magulang. Kaya ayon sa mga apo wala raw bisa ang dalawang deed of sale na pinirmahan lang ng mga lolo at magulang nila. Nang malaman ito ng GDC, agad pinabakuran ang mga lupa at pinabantayan sa isang katiwala. Idinimanda ng mga apo ang GDC sa Regional Trial Court (RTC). Hiniling nila sa RTC na pawalang bisa ang deed of sale at mga titulo. Samantalang dinidinig ang kaso ay nagpalabas ng utos ang RTC na pinagbabawalan ang GDC na umokupa ng mga lupa bilang may-ari. Sinabi nila sila ang nakapuwesto rito sa pamamagitan ng katiwala dahil sila ang may-ari nito. Ang mga deed of sale at titulo daw ng GDC ay peke.
Tugon naman ng GDC na sila na raw ang may-ari ng mga lupa at ito raw ay nabili nila in good faith. Nilakip nila ang mga dokumento ng bilihan at mga titulo sa kanilang tugon. Ngunit higit na pinanigan ng RTC ang alegasyon ng mga apo at ginawad ang writ of injunction. Tama ba ang RTC?
MALI. Upang maigawad ang injunction, kinakailangan na: (1) may malinaw at di mapagkakamalang karapatan: (2) paglabag sa nasabing karapatan; at (3) madaliang pangangailangan sa injunction upang maiwasan ang grabeng pinsala. Dito sa kaso, hindi malinaw ang karapatan ng mga apo. Alegasyon lamang nila ang batayan laban sa mga notaryadong dokumento at matibay na titulo ng GDC. Tinuturing na ang isang notaryadong dokumento ay regular na ginawa. Gayon din ang titulo torrens na tinuring na isang matibay na ebidensiya ng ownership. Hindi mananaig ang tanging alegasyong walang pruwe- ba, laban dito. Kahit pa nga sabihin nakapuwesto ang mga apo sa lupa, hindi nangangahulugan na sila ang may-ari.
Ang pamumusisyon ay maaaring constructive. Kapag may dokumentong notaryado tungkol sa bilihan, nangangahulugan na naisalin na rin ang pamumusisyon sa lupa (Medina vs. Greenfield Development, G.R. 140228, November 19, 2004).