Isaalang-alang natin
October 7, 2005 | 12:00am
ANG matutunghayan ay mula sa e-mail ng aking kaibigan na nakatanggap ng "Report ng International Crisis Group" o "CrisisWatch." Naglalayon itong bigyan ng impormasyon ang mga tao tungkol sa pagbabantay ng naturang grupo sa mga kaganapan sa buong mundo.
Anim na sitwasyon ng tunggalian sa ibat ibang panig ng mundo ang lumala nitong Setyembre 2005, ayon sa bagong isyu ng CrisisWatch. Ang Iraq ay patungo sa isang de facto na pagkakahati at malawakang digmaang sibil. Ang araw-araw na karahasan sa katimugan ng Thailand ay umiigting. Sa Mozambique naman ay may patuloy na patayan sa pagitan ng mga tagasuporta nang umiiral na partido at ng isang dating rebeldeng kilusan.
Nagpasya ang International Atomic Energy Agency na isumbong ang Iran sa UN Security Council dahil sa paglabag ng Iran sa mga obligasyon nito na nakasaad sa Nuclear Non-proliferation Treaty. Lumalala ang tensyon sa Kyrgyzstan habang ang mga grupong pulitikal at mga kriminal na elemento ay naglalaban para sa kapangyarihan.
Apat na sitwasyong may tunggalian ang nagpakita naman ng pagbuti nitong Setyembre 2005. Ang anim na partidong pag-uusap sa North Korea ay nagtapos sa isang hindi inaasahang resulta nang mangako ang Pyongyang na isusuko ang kanilang armas nuklear at mga programa kapalit ng mga tulong pang-enerhiya at mga garantiyang pangseguridad. Sa Pilipinas, ang gobyerno at ang Moro Islamic Liberation Front ay nagkasundo sa isang mahalagang isyu ng "ancestral domain" sa mga impormal na pag-uusap. May positibong kaunlaran sa Liberia habang inaprubahan ng gobyerno ang matagal nang hinihintay na Governance and Economic Management Assistance Program, kasunod ng pressure mula sa mga nag-aambag na mga bansa. At isang pangkalahatang amnestiya ang ipinahayag para sa mga krimeng pulitikal sa Mauritania. Ang mga positibong pangyayari sa prosesong pangkapayapaan sa Aceh, Indonesia ay nabawi naman ng mga pambobomba sa Bali na naiulat noong Oktubre 1 habang ang "CrisisWatch" ay inililimbag ang report na ito.
Ang Iraq, Nepal at Somalia ay itinuturing ng "CrisisWatch" bilang mga sitwasyon may amba ng panganib o panibagong pag-igting ng tunggalian sa darating na buwan. Subalit ang Nepal ay kinikilala rin bilang isang pagkakataon na maresolba ang tunggalian.
Sa ating pananalangin para sa kapayapaan sa buong mundo, naway isaalang-alang natin ang kalagayan sa mga bansang ito, lalo na ang mga pangyayari rito sa ating bansa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest