^

PSN Opinyon

Alagaan ang mga ngipin

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
ISANG kapwa ko volunteer public servant ang matagal nang pinahihirapan ng pagsakit ng kanyang mga ngipin kaya sinamahan ko siya sa klinika ng kaibigan kong orthodentist at TMJ expert na si Dr. Noel Velasco.

Dahil sa problema niya sa ngipin kaya naging bugnutin siya, palamura at maging mga kasambahay niya’y kanyang inaaway. Nagpasya ang kaibigan kong ipabunot ang lahat ng ngipin niya, maging ang mga walang sira, para magpapustiso siya. Masusing sinuri ni Dr. Velasco ang ngipin ng aking kaibigan at pinayuhan na huwag magpabunot.

Sabi ni Dr. Velasco na bagama’t matagal ay matiyaga niyang gagamutin para ma-save ang mga bulok at sirang ngipin ng aking amiga. Inesplika ni Dr. Velasco na anumang pinsala o damage ng ngipin ay puwede pang maisalba ito at huwag mabunot. Binigyang-diin ni Dr. Velasco na tutol siya na bunutin ang ngipin lalo na iyong multiple extraction dahil malaki ang pinsalang dulot nito. Ang walang pakundangang pagbunot ng ngipin ang dahilan ng pagnipis ng gilagid at paghumpak at pagkulubot ng mukha kaya hindi pa man gaanong maedad ay mukha nang matanda. Kakailanganin ang tooth-gum-bone implant sa mga kasong ganito.

Ipinaliwanag ni Dr. Velasco na dapat alagaan ang ating mga ngipin. Ugaliing magsipilyo paggising sa umaga at pagkatapos kumain. Sa iba pang impormasyon tawagan si Dr. Velasco sa tel no. 9134947, 7291116 at cell no. 09178542274.

BINIGYANG

DAHIL

DR. NOEL VELASCO

DR. VELASCO

INESPLIKA

IPINALIWANAG

KAKAILANGANIN

MASUSING

NGIPIN

VELASCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with