Sa mga pulis: Basahin ang story ni PO3 Evan Baja
October 7, 2005 | 12:00am
HUMAGULGOL sa iyak si ex-PO3 Evan Baja, 42, nang makita niya ang hitsura ng New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City noong Setyembre 28. Si Baja ay nakakulong ngayon sa Muntinlupa matapos hatulan ni Judge Alfredo Flores, ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 167 sa kasong drug pushing. Matapos ibaba ang hatol noong 2004 nagtago si Baja. Naaresto siya ng mga tauhan ni Supt. Sotero Jhong Ramos, hepe ng Regional Intelligence and Special Operations Office (RISOO) ng NCRPO.
Ayon kay Ramos, kaya napaiyak si Baja ay dahil hindi niya akalain na ang laro-laro lang noon na iniisip niya ay hahantong sa kasamaan hanggang sa tuluyang makulong na siya. Nagsisisi si Baja subalit huli na ang lahat at kahit anong tiyak pa niya ay hindi na niya maibalik ang panahon at maiwasan na makulong dahil sa ginawa niya. Kaya ang payo ni Baja sa kanyang kabaro na naliligaw ang landas, magbago na sila para iwasan ang landas na tinahak niya dahil hindi lang sila ang maapektuhan kundi pati mga pamilya nila. He-he-he! Sana maraming kapulisan natin ang makinig dito sa panawagan ni Baja, di ba mga suki?
Itong si Baja pala ay naka-assign sa District Headquarters Security Group (DHSG) ng Eastern Police District (EPD) nang maaresto ng elemento ng Pasig City police sa kasong pagtutulak ng droga noong 1997. Dahil may konting kaalaman, inapela ni Baja ang desisyon ni Flores hanggang sa humantong ito sa Supreme Court na kumatig naman sa lower court. Pero hindi kaagad nakulong si Flores dahil isinumite niya ang kanyang sarili sa drug rehabilitation sa Tanza, Cavite. At nang ibaba nga ni Flores ang desisyon, biglang naglaho si Baja. Nagtago sa Bacoor, Cavite. Subalit kahit nadeklara nang AWOL si Baja sa EPD, hanggang sa ngayon hindi pa niya natatanggap ang dismissal orders niya. Ika nga pulis pa rin si Baja. Kaya lang kung sa akala ni Baja ay habang panahon na niyang maiwasan ang kulungan, aba yan ang malaking pagkakamali niya.
Si Baja ay dumalaw sa kanyang pamilya sa Barangay Pineda sa Pasig City nang namataan ng isang informer ni Ramos. Kaagad namang nagpa-dala ng team si Ramos at naaresto si Baja na hindi naman pumalag. Habang nakakulong sa RISOO headquarters sa Camp Bagong Diwa, nakitaan na ni Ramos ng palatandaan si Baja na parang nagsisisi sa sinapit niya. Kaya lang, kailangan ni Ramos na ipatupad ang batas kayat nakipag-coordinate siya sa sala ni Judge Flores na hindi naman nag-aksaya ng panahon para itapon si Baja sa NBP nga. Kaya hayun, bubunuin ni Baja ang sentensiya niya at sana sa paglabas ay tuluyan na siyang magbago.
Sa mga kapulisan natin, huwag nyong balewalain ang istorya ng buhay ni Baja para maiwasan nyong malulong sa kasamaan at malayo sa piling ng inyong pamilya. Aanhin nyo ang salaping galing sa kasamaan na sa bandang huli ay magiging mitsa pa ito para madapa at hindi na kayo makabangon?
Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended