^

PSN Opinyon

Si Miriam lang ang nakinabang sa ginawa niya

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
GRABE na ang ginagawa ng mga pulitiko na sa halip na mga problema ng bansa ang atupagin, mga pansariling interes ang inaasikaso. Bale pa, para silang mga walang pinag-aralan na magagaspang ang mga pananalita. Para bagang hindi mga mambabatas. Hindi sila magandang halimbawa sa taumbayan.

Nag-aapoy na parang bulkan si Sen. Miriam Defensor Santiago na inupakan ang mga kalaban ni President Gloria Macapagal-Arroyo. Sinayang na naman niya ang oras ng Senado na sa halip na ang pagtuunan ng pansin ay ang maraming batas na nakabinbin. Apat pa lang ang naipapasang batas ng Senado mula July 2004 hanggang August 2005.

Gaya na lamang ng anti-terrorism bill na dapat ay matagal nang naaksyunan ng Senado upang maproteksyunan ang bansa at mamamayan sa kamay ng mga terorista. Nariyan din ang North Railway project na dapat nang trabahuhin sapagkat magbibigay ito ng trabaho sa maraming Pinoy. Malaki ang maitutulong ng proyektong ito upang umunlad ang pangangalakal, turismo at ekonomiya mula sa gitnang Luzon hanggang sa norte.

Wala akong pakinabang na makita sa ginawang talumpati ni Miriam. Siya lamang ang tanging nakinabang. Sigurado akong bidang-bida siya kay GMA. Dapat lamang na ipagtanggol niya ang administrasyon sapagkat kasama rito ang mister niya na humahawak din ng magandang posisyon bilang isa sa mga alalay ni GMA. Naiisip ko, baka manukin pa siya ni GMA bilang Senate President, kapalit ni Drilon. Mukhang mahihirapan na ang oposisyon kapag nangyari ito. Dalawang mataray na ang makakaharap nila.

vuukle comment

APAT

DALAWANG

DAPAT

DRILON

MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO

NORTH RAILWAY

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SENADO

SENATE PRESIDENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with