Pinag-iingat namin ang mga estudyante
October 5, 2005 | 12:00am
Pinag-iingat namin ang lahat lalung-lalo na ang mga estudyante ngayong nalalapit na ang sem-break at maghahanap ng part-time job.
Naglipana ngayon ang ilang mga bogus na opisina na nangloloko sa mga pobreng estudyante at ginagamit ang kanilang mga resources para sa kapakanan ng kanilang tanggapan.
Estilo ng mga opisinang ito na tumanggap ng mga aplikanteng estudyante upang gamiting maibenta ang kanilang produkto.
Hindi na iba sa BITAG ang ganitong uring estilo dahil sa simula, pangangakuan ang mga estudyante ng magandang trabaho at malaking suweldo sa oras na malagpasan ang ilang mga tests bilang bahagi ng kanilang requirement sa mga aplikante.
Halimbawa nito ay ang pagbebenta ng mga water purifier at pagre-recruit ng mga panibagong aplikante para sa parehas na posisyon.
Sa kagustuhan ng mga aplikante na matanggap, mapipilitan ang mga ito na bilhin na lang ang water purifier na nagkakahalaga ng P2,000-P3,000.
Kinakailangang din na mai-advertise ng mga aplikante ang kanilang tanggapan para mas makahikayat pa ng mga interesado sa trabaho sa pamamagitan ng tv, radyo at sa mga pahayagan.
Walang kaalam-alam ang mga kawawang estudyante na ginagamit lamang sila at walang magandang trabaho ang nag-aantay sa kanila dahil sa oras na kanilang matuklasan ang kanilang modus, umaalis na lamang ang mga ito.
Iilan lamang ang naglalakas-loob na harapin at magreklamo upang matigil ang mga ganitong uring pangloloko at panglalamang.
Hindi titigilan ng BITAG ang ilang mga bogus na tanggapang ito, dahil patuloy ang mga reklamo na aming natatanggap.
Sige, ituloy ninyo lang ang inyong pangloloko at baka sa susunod mga BITAG undercover na ang mga aplikante niyo at kayo na ang sumunod sa aming BITAG!
Hotline numbers, i-text (0918)9346417/ (0927) 8280973 o tumawag sa mga numerong 932-8919/932-5310. Makinig sa DZME 1530 Khz, Monday-Friday, 9:00-10:00 a.m at panoorin ang programang BAHALA SI TULFO Monday-Friday, 9:00-10:30 a.m. sa UNTV 37.
Naglipana ngayon ang ilang mga bogus na opisina na nangloloko sa mga pobreng estudyante at ginagamit ang kanilang mga resources para sa kapakanan ng kanilang tanggapan.
Estilo ng mga opisinang ito na tumanggap ng mga aplikanteng estudyante upang gamiting maibenta ang kanilang produkto.
Hindi na iba sa BITAG ang ganitong uring estilo dahil sa simula, pangangakuan ang mga estudyante ng magandang trabaho at malaking suweldo sa oras na malagpasan ang ilang mga tests bilang bahagi ng kanilang requirement sa mga aplikante.
Halimbawa nito ay ang pagbebenta ng mga water purifier at pagre-recruit ng mga panibagong aplikante para sa parehas na posisyon.
Sa kagustuhan ng mga aplikante na matanggap, mapipilitan ang mga ito na bilhin na lang ang water purifier na nagkakahalaga ng P2,000-P3,000.
Kinakailangang din na mai-advertise ng mga aplikante ang kanilang tanggapan para mas makahikayat pa ng mga interesado sa trabaho sa pamamagitan ng tv, radyo at sa mga pahayagan.
Walang kaalam-alam ang mga kawawang estudyante na ginagamit lamang sila at walang magandang trabaho ang nag-aantay sa kanila dahil sa oras na kanilang matuklasan ang kanilang modus, umaalis na lamang ang mga ito.
Iilan lamang ang naglalakas-loob na harapin at magreklamo upang matigil ang mga ganitong uring pangloloko at panglalamang.
Hindi titigilan ng BITAG ang ilang mga bogus na tanggapang ito, dahil patuloy ang mga reklamo na aming natatanggap.
Sige, ituloy ninyo lang ang inyong pangloloko at baka sa susunod mga BITAG undercover na ang mga aplikante niyo at kayo na ang sumunod sa aming BITAG!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am