^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Taumbayan ang kawawa sa bangayan ng mga pulitiko

-
TAMA ang balak ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na huwag iboto sa darating na election ang mga kandidato ng administrasyon at opposition. Nababanas na ang TUCP sa walang tigil na bangayan ng Malacañang at Senado. Ang TUCP na itinuturing na pinakamalalaking labor group sa bansa ay nagsabing kapag hindi pa tumigil sa pagbabangayan ang administrasyon at opposition, hindi sila makatitikim ng boto sa 2007 elections. Kaya ngayon pa lamang dapat nang mag-isip ang dalawang panig. Magkasundo na sila bago pa man dumating ang election. Ayon sa TUCP dapat malaman ng administrasyon at oposisyon na 85 milyong Pinoy ang nakadepende sa kanila at umaasang gagaan ang buhay sa nararanasang hirap.

Suwabeng-suwabe ang balak ng TUCP at magandang ito na rin ang tularan ng taumbayan sa pagpili ng iboboto sa 2007. Ito na ang pagkakataon para makaganti sa pagwawalambahala ng mga taga-administrasyon at oposisyon. Katulad ng balak ng TUCP, huwag ding iluklok ng taumbayan ang mga kandidato ng administrasyon at oposisyon. Magkaroon na ng aral sa susunod na election. Para ano pa at iboboto ang mga walang iniisip kundi ang pansariling interes. Para ano pa at iboboto ang mga walang alam gawin kundi ang maghanap ng butas sa kalaban. Nagagawa nilang magsayang ng oras sa pagbabangayan at sa pagsasagawa ng imbestigasyon na wala namang napapakinabang ang taumbayan.

Maraming batas na naka-pending sa Senado at isang pagpapatunay lamang na naagaw na ng pakikipagbangayan sa mga kalaban nila sa pulitika ang panahon ng mga magigiting na senador. Ayon sa report ng mga miyembro ng House of Repre- sentatives, apat na batas lamang ang naipasa ng Senado mula July 2004 hanggang July 2005. At ang nakalulula, may annual budget ang Senado na nagkakahalaga ng P1.3 million. Lumalabas na tig-P300 million ang nagastos sa bawat bill. Ano ba ito?

Pawang batikusan ang nangyayari. Babatikos ang kabila at sasanggahin naman. Babanat ang binatikos at walang hanggang pagbabangayan na ang nangyayari. Nakatiwangwang ang mga dapat asikasuhing batas na para sa taumbayan.

Marami ang naghihirap at may nalilipasan ng gutom. Marami ang walang trabaho. Marami ang napipinsala dahil sa pagsalakay ng mga terorista. Marami ang namamatay sa sakit na hindi na nakatikim ng gamot at nadala sa ospital.

Ganyan ang senaryo sa walang katapusang pagbabangayan ng mga pulitiko.

ANO

AYON

BABANAT

BABATIKOS

GANYAN

HOUSE OF REPRE

MARAMI

SENADO

TRADE UNION CONGRESS OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with