Ano ang motibo sa pagpatay?

INILAPIT SA AKING TANGGAPAN ANG apela ng pamilya ni EDMAN SY, 23 anyos dealer ng used-cars, binaril dalawang linggo na ang nakalipas sa Galas, Quezon City sa mga taong makapagbibigay ng impormasyon patungkol sa pagkamatay nito at nang makatulong na malutas ang kaso.

Batay sa imbestigasyon, si Edman Sy ay dalawag beses na binaril sa likod ng .38 caliber revolver sa pagitan ng alas-11:50 ng umaga at alas-12:10 ng hapon sa loob ng bahay sa Data St., sa Brgy Don Manuel, Galas, Quezon City.

Ang suspect ay kinilala na si Don Louie Manalo Leaño, 21-yrs. old.

Malapitan ang pagkabaril sa biktima dahil sa medical examination na isinagawa sa kanyang lumalabas na may "tattooing at smudging" sa paligid ng sugat ng biktima.

Sa likod ang tama nitong si Edman kaya’t may elemento ng TREACHERY na magpapatibay na PREMEDITATED at pinagplanuhan ito kaya’t nararapat lamang na MURDER ang kasong ipataw sa suspect(s).

Napag-alaman din na isang Joe Manalo, lolo ng suspek ay tumawag sa barangay captain, Jimmy Lim ng Barangay Don Manuel bandang alas-12:10 at sinabi nitong, "Jimmy, punta ka dito may binaril, patay." Pagkatapos, tumawag si Lim sa kalapit na police station ng nasabing lugar gamit ang mobile phone at pumunta sa lugar na pinangyarihan ng krimen at naghintay sa pagdating ng mga ito. Ang bahay kung saan pinatay si Edman ay dalawang kalye lamang ang layo nito mula EAE Autohaus, car exchage na pag-aari nito at dalawang kasama sa may D. Tuazon St.

Pag-aari ng pamilya ni Don Louie ang bahay na pinangyarihan ng krimen na ang mga magulang nito ay pawang opisyales ng gobyerno. Ang kanyang ama, si Efren Vargas Leaño, Director, Board of Investment sa Department of Trade and Industry (DTI). Samantala ang ina naman nito, si Rhodora Manalo Leaño, Director ng Bureau of Small and Medium Enterprises Development ng DTI.

Inamin naman ni Don Louie ang ginawa nitong pagpatay sa biktima subalit naguguluhan pa rin ang mga pamilya’t kaibigan ni Edman kung saan magpa-hanggang ngayon ay palaisipan pa rin ang motibo nang pagkakapatay dito.

"Ang pamilya at mga kaibigan ni Edman hindi lubos maisip na sasapitin nito ang ganoong klase ng kamatayan. Mabuting tao, tahimik at hindi namin maisip kung bakit may taong gustong pumatay sa kanya," sabi ni MeAnn Dy, kaibigan ni Edman na ngayon ay tumatayong spokesperson ng pamilyang Sy.


Ang motibo sa pagkamatay ni Edman ay nananatiling palaisipan sa kanyang mga kaanak at kaibigan. Sinabi ni Dy na nagpag-alaman nilang tatlong oras pa ang nakalipas bago nila malaman na patay na itong si Edman. Sa kabila ng marami nitong ID sa kanyang pitaka ay hindi agad ito nai-report o hindi man lang nasabihan ang mga kaanak nito sa nangyari sa biktima.

Nagtataka rin ang pamilya ng biktima kung bakit nakapagpiyansa ang suspek gayung dalawang tama ng bala ang tinamo nito kanyang likuran — na dapat ang suspek ay makasuhan ng murder.

Sa kaguluhan dahil sa pagkapatay kay Edman, hindi agad nakakuha ng abogado ang pamilya ng biktima. Inaasikaso muna nila ang burol nito hanggang sa ito ay dalhin sa kanyang huling hantungan.

Murder ang kasong isinampa ng imbestigador, PO3 Jun Mortel laban sa suspek subalit naibaba ito sa Homicide ni Fiscal Morales. (Nakapagpiyansa rin ang suspek ng P40,000.00) Fiscal Morales, ano ba yan? Ipatatawag ka ni Sec. Raul Gonzalez kung bakit mo dinown grade ang demanda. Magpaliwanag ka na lang. Sana walang magic ang naganap dyan!

Sa puntong ito, nais ko lamang sabihin na meron mga legal remedies para sa pamilya ng biktima. Maaring makipag-ugnayan lamang sila sa aking tanggapan. Maari silang magfile ng Motion for Reconsideration o ’di naman kaya ay Petition for Review sa tanggapan ng DOJ sa pamamagitan ng aming tanggapan.

Samantala mayroon na ring hold departure order si Don Louie subalit walang makapagsabi kung ito ay nasa bansa pa rin. Ang Ericson P900 cellphone na gamit ni Edman. Ang cellphone lang nitong Sun ang na-recover.

Ang huling kausap nitong si Edman sa telepono ay si Edwin Torres, ang kanyang business partner. Bandang alas-11:47 ng umaga noong araw ding iyon, tinawagan ni Edwin si Edman na sinabi nito na may ginagawa siyang demo sa may Rotonda (malapit sa pinangyarihan ng krimen). Tinanong nito si Edman kung maaari siyang samahan nito sa Pampanga at sumagot naman si Edman na sasamahan niya ito kung makakabalik sila ng alas-7 ng gabi dahil maglalaro pa siya ng basketball kasama ang mga kaibigan nito. Nagkasundo sila na magkikita sila sa kanilang opisina ng pananghalian. E-mail address: tocal13@yahoo.com

Nablangko ang mga imbestigador sa puntong ito kung bakit babarilin ng walang kalaban-laban ang biktima. Umaasa kami na sa pamamagitan ng mga mambabasa ng "CALVENTO FILES" na merong impormasyon sa kasong pagpatay kay EDMAN SY ay makipag-ugnayan lamang sa aming tanggapan. Personal ko kayong makakausap sa aming opisina.

Sa mga gustong magtungo sa aming tanggapan o lumiham sa akin, ang aming address ay 5th floor City State Center Bldg., Pasig City. Maaari rin kayong tumawag sa aming telepono 638-7285, 6373965-70.

Show comments