Kumpleto sila sa mga requirements, pasado sa examination, pasado sa neuro test, drug test echetera ang problema lang daw kaya sila lumagapak ay dehins sila nakapang-langis kasi alaws silang pitsang pangbigay sa mga bugok diyan sa Region 3. Paging PNP Region 3 bossing Alexander Lapinid, Sir, pakibukalkal mo nga ang usaping ito.
Sumbong pa ng mga tsuwariwariwap sa mga kuwago ng ORA MISMO, may ilang unfit ang nakuha sa pagkatulisan este mali parak pala kasi may tsapit silang iginay-bi sa mga bugok.
Sino ba si bato balani at targagoy, aka unggoy, diyan sa kampo sila ang culprit ayon sa sumbong ng mga tsuwariwariwap sa mga kuwago ng ORA MISMO.
Dapat huwag magpakaang-kaang ang taga-Crame todits dahil makakasira nang malaki ang nangyayari sa Region 3 kung totoo man ang sumbong sa mga kuwago ng ORA MISMO.
Dead sina Supt. Lorenzo Vicente, bossing ng PNP-Aviation Security Group at Chief Inspector Hadji Ali, top brass police officers sa Cagayan de Oro Aviation Security Group nang mag-ala-imbutido este mali rambotito pala ang tauhan nilang si PO1 Cenon Madrigal Jr., yesterday morning.
Si Vicente at Ali, ay mga friends ng mga kuwago ng ORA MISMO, galing NAIA sila bago nailipat sa ibang place.
Ang alam ng mga kuwago ng ORA MISMO, ay malapit nang mag-retiro sa serbisyo si Vicente. Na-praning si Cenon, kaya niya niratrat ang kanyang mga bossing kasi ayaw niyang ma-transfer sa ibang place. Sa Butuan kasi ito inililipat.
Madali bang magkabaril ang mga bagitong pulis? tanong ng kuwagong mangungurap.
Basta maraming rekotitos para magkabaril ang isang lespu dahil kailangan muna niyang pumasa sa psycho, drug at neuro test etcetera, sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Bakit karamihan ng sumasabit ngayon sa mga patayan, illegal drugs, kotong, highway robbery, hulidap echetera ay mga bagitong rak-pa, anang kuwagong Kotong cop.
Ano ang dapat gawin para maiwasan ito?
Sibakin ang mga rakpang mangingikil sa mga bagong lespiak.