Niluwa na, kinain uli
September 30, 2005 | 12:00am
LUMILINAW na ang lahat: Ang FBI secret files pala na ninakaw nina Leandro Aragoncillo at Michael Ray Aquino mula Enero ang mismong nagbunsod ng mga kilos Oposisyon para pabagsakin si Gloria Arroyo. Malilinang ito sa mga nilalaman ng dokumentos.
Ayon sa news, ang secret files ay mga intelligence gatherings at pag-aanalisa ng US embassy sa mga kaganapan sa bansa. Kasama rito ang mga ulat ni chargé daffaires Joseph Mussomeli na lumulubog ang popularidad ni GMA, ni political officer Andrew MacLearn na may dalawang balaking kudeta, at ng FBI agents sa Manila na mahinang pinuno si Vice President Noli de Castro at hati-hati ang Oposisyon.
Nakakatawa ang mga ulat na ito dahil malamang na sa Oposisyon din nanggaling ang mga detalye. Estilo kasi ng US diplomats at agents na makipag-kape sa mga Oposisyon (kahit saang bansa). Sa mga kapihang ito tiyak na ibinulong ng sari-saring paksiyon ang kanilang impormasyon at kilos. Sinubo malamang ng Oposisyon ang surveys nung Abril tungkol sa disgustadong publiko kay Arroyo. Kinatha rin ang kunoy mga kudeta, at ang mababang pagtingin kay VP Noli. At ipinahiwatig ang pagka-inis nila sa isat-isa: Cory Aquino vs Imee Marcos vs Kaliwa vs mga trapo (Nene Pimentel, Ping Lacson, Francis Escudero, Ronnie Zamora).
Ang nangyari kumbaga, ang impormasyong naging batayan ng US embassy reports, na tinatakang "secret", ay galing mismo sa Oposisyon.
Pasok naman si Aragoncillo, kaibigan nilang baon sa $500,000-utang. Sa pamamagitan ni Aquino, na hinala ay tagabayad, ninakaw ang secrets at pinadala sa Oposisyon. Kinilig naman ang huli na magkatulad ang basa nila at ng Kano sa sitwasyon. Ang sinuka nilang impormasyon ay kinain nilang muli nang di nalalaman. At saka sila nagplano.
Kaya pala nang pumutok ang Gloria-gate tapes, sigaw agad nila ay bumaba sina Arroyo at Noli, imbis na magharap agad ng impeachment. Kaya pala naghihintay sila sa kalye ng kudeta na hindi naman dumating. Kaya pala pilit silang nagsama miski hindi magkaisa. Amoy suka sila!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 23, 2024 - 12:00am