Jueteng report ni Hagedorn
September 29, 2005 | 12:00am
BINABATI ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn ng advance Happy Birthday. Sa October 12, 2005, ang celebration ni Mayor sa Puerto kaya mga taga-Palawan humanda kayo tiyak maraming handa.
Ang isyu, zero as in zero na pala ang dayaan bolahan sa Metro Manila ito ang sinabi ni Edward nang bumisita siya sa National Press Club yesterday. Si Edward, kasi ang binasbasan ni Prez Gloria Macapagal-Arroyo bilang jueteng czar sa Metro-Manila kaya naman panay ang monitor nito sa dayaan bolahan sa tulong ni Chief Supt. Florante Baguio, bossing ng PNP Anti-Illegal Gambling Task Force.
Successful ang operation ni Edward kahit na marami ang tumataas ang kilay versus jueteng. Sangkatutak kasi ang kritiko ni Edward pagdating sa dayaan bolahan dahil kahit na anong gawin niya ay dehins daw matitigil ang number game.
Pero kay Edward tapos na ang maliligayang araw ng jueteng lords kasi nagsitigil ito sa kanilang pasugal sa pangambang masasabit sila oras na magpatuloy sila sa kanilang kagaguhan. Alam din kasi ni Edward na mababaon lang ang mananaya sa dayaan bolahan dahil alaws naman talagang nananalo todits kundi ang gam-bling lords lang. Ika nga, harang ang dayaan bolahan.
Sabi ni Edward, dapat magkasangga ang local government at katulisan este mali kapulisan pala para pigilan ang dayaan bolahan sa kanilang jurisdiction. Mabigat ang batas sa illegal gambling pero kailangan ang due process. Sabi nga, dapat may ebidensiya!
Kung nagpapatuloy ang dayaan bolahan sa isang lugar ani Florante at Laura este mali General Baguio pala ay gerilya o kangaroo type. Ika nga, patalun-talon ng lugar na pinagbobolahan.
Ang mga nakapatong sa dayaan bolahan o sa kahit na anong uri ng illegal gambling ay natatakot na rin saluhin ang kanilang mga ka-kosa ani Baguio dahil alam nila ang kanilang paglalagyan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended