Panawagan ng ilang empleyado ng DOJ kay Sec. Gonzalez
September 28, 2005 | 12:00am
SA pamamagitan ng isang e-mail na ipinadala sa amin ng ilang empleyado ng Department of Justice, nais na ipahatid ng ilang tauhan ng DOJ na maging patas at makatarungan ang magiging proseso sa pagpili ng mga mamumuno sa kanilang tanggapan. Narito ang kabuuan ng kanilang liham.
Dear Mr. Tulfo,
Sana po ay muling tingnan si Sec. Gonzalez ang malaking problemang kahaharapin ng Legal kung kanilang pagbibigyan si Atty. Paras na maupo sa puwesto ang kanyang bata. Alam nyo po ba na hindi lamang 6 hanggang 7 ang maaapektuhan ng promotion kung ang position o item na ibinibigay nila sa iba ay kanilang ibinibigay sa taga-Legal.
Sana po makonsensiya si Sec. Gonzalez at ang iba pang mataas na official ng DOJ. Mahirap na nga po ang buhay lalo pa nilang pinahihirap dahil sa mga pinagagawa po nila sa mga empleyado na walang ibang sandata kundi ang loyalty at dedikasyon sa kanilang trabaho. Wala po silang mga politiko o matataas na official na puwedeng tumulong sa kanila upang makakuha ng mataas na posisyon sa trabaho, ang kanila lang po hawak ay ang kanilang tiwala sa Panginoon.
Isang hakbang na kanilang ipinakita ang pagpunta sa tanggapan ni Sec. Raul Gonzalez upang hilingin na ibigay ang posisyon sa mga staff ng Legal upang hindi sila magkaroon ng kawawang sitwasyon kung sila ay hindi magkakaroon ng promotions. Sana po ipakita ni Sec. Gonzalez ang kanilang pakikiisa sa mga empleyado ng DOJ na binabastos, inaapakan, di binibigyan ng tamang pagkakataon upang makamit ang nararapat sa kanila.
Sana bigyan ni Sec. Gonzalez ang lahat ng nangyayaring ito sa kanyang nasasakupan. Kami na nasa Department of Justice na naglilingkod dito at hindi makamit ang hustisya para sa mga kapwa emple- yado dahil pinaiiral ang palakasan at pamomolitika.
Gumagalang,
Concern DOJ Employees
Ito ang kabuuan ng liham ng ilang empleyado ng Department of Justice na nais ng makatarungang proseso sa pagpili ng mga mamumuno sa DOJ. Ang tanggapan ng DOJ ay tanggapan ng buong bayan at hindi tanggapan ng ilang tao na nais lamang ay ang pansariling kagustuhan.
Sa tanggapan ni Sec. Gonzalez ng Department of Justice, pakinggan at pag-aralan ang mga hinaing ng mga empleyado ng DOJ. Pag-isipan ang gagawing desisyon dahil ang tiwala ng taong bayan ang nakasalalay dito.
Hotline numbers, i-text (0918) 9346417 o tumawag sa mga numerong 932-8919/932-5310. Panoorin ang Bahala si Tulfo 9:00-10:30 a.m.UNTV 9:00-10 a.m. DZME 1530 kHz.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended