^

PSN Opinyon

Jueteng on the go

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
NAMAMAYAGPAG ngayon ang mga gambling lord sa lahat ng sulok ng Pinas sa larong dayaan bolahan o jueteng, siyempre puwera rito ang ibang sugal sa Kabisayaan ang masiao at last two digit.

Ganado ang isang Tony Ong, sa Pangasinan dahil halos kalahati ng probinsiya ay nalagyan ng jueteng ni kamote.

Samantala, sa Dasmariñas, Imus, General Trias, Rosario, Cavite ay kontrolado naman ni Gani Soupsupin ng Malabon.

Puwera pa ang pasakla nito sa mga namamatay sa mga nabanggit na lugar.

Sa Sta. Rosa, Laguna, ang pa-jueteng ni Nardong Panot ay natigil na raw pero ayon sa impormasyon ng ating Little woman informer tuloy pa rin ang ligaya dahil nagkaayos na sa padulas ang mga tekamots. Sabi nga, tatlong beses isang araw ngayon ang bolahan.

Napag-alaman ng mga kuwago ng ORA MISMO, medyo nag-lie-low si Tony bulok Santos sa kanyang operasyong dayaan bolahan kaya ang mga iniwan nitong butas ay pinasok ng grupo ni Ka Bong ng Pampanga at Ka Arman ng Batangas.

Sa mga information nakukuha ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa kanilang mga asset from the outside, naniniwala tuloy tayo na muling sumigla ang mga katulisan, este mali, rakpadudels pala na nakikinabang ngayon sa dayaan bolahan.

Ang mga bugok na mga local government officials ay tiyak lumalaki ang mga tiyan dahil busog sila sa intelihensiya.

Sa Kalinga province, takot ang mga katulisan, este mali, rakpadudels pala sa operator ng jueteng doon dahil isang kilalang kriminal ang nag-eengreso ng intelihensiya sa mga baboy na rakpa.

"Kapos ang kolum ng Chief Kuwago kaya sa susunod na isyu babakbakan natin ulit ang dayaan bolahan," anang kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Ikukuwento na rin natin ang dayaan bolahan diyan sa Lucena City," sabi ng kuwagong Kotong cop.

"Ok kamote, sa susunod na labas!"

vuukle comment

CHIEF KUWAGO

GANI SOUPSUPIN

GENERAL TRIAS

KA ARMAN

KA BONG

LUCENA CITY

NARDONG PANOT

SA KALINGA

SA STA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with