Saka bumasa si Reuel mula sa lalabas niyang libro, Magdaragat ng Pag-Ibig at Iba Pang Tula ng Pagnanasa (The Seafarer of Love and Other Poems of Desire):
From the botox of my face
To the lipo of my tyan
Nali-lift ang spirit
Sa breast kong pina-enhance.
Dahil sa chemistry, ubay napaitim;
Pumuti ang balat na datiy madilim.
Dahil sa engineering napagdugtong-dugtong
Ng tulay ang noo at tungki ng ilong.
Dahil sa physics, gravity ay na-defy
Binatak, umangat, lamang datiy laylay,
Dahil sa mahika, umarko ang kilay,
Ang sebo sa patat bewang ay nalusaw,
Helera ng ngipin ay biglang nagpantay,
Pati dobleng leeg, naging isa na lang.
At naghimala
Ang patay ay nabuhay
Na mga kuko.
Oo nga naman, napa-toast ang tropa. Sa ehemplong tula ni Reuel, ang erotisismo ay tungkol sa lahat ng may kinalaman sa pagsasamahan ng nagmamahalan pati na ang pagpapa-hitsurang-bata para pansinin pa rin. Pero marami pang pakahulugan sa salita ng damdamin ng lahat ng tao...
(Itutuloy bukas, bilang preview sa launching ng libro ni Reuel sa Biyernes, Sept. 30, 6-9 p.m., sa 70s Bistro, Anonas St., Project 3, Quezon City.)