^

PSN Opinyon

Erotisismo (1)

SAPOL - Jarius Bondoc -
BASTOS pag-usapan ang erotisismo. Walang modo’t maka-demonyo ang dating. Pero, angal ni makata Reuel Aguila nang magka-inuman kaming dating magkakatropa sa campus theater sa UP-Diliman, ang erotisismo ay halaw sa pangalang Eros, diyos ng pag-ibig. Kung gayon, aniya, ang erotisismo’y tungkol sa pagmamahalan, sa natural na pagsinta, at hindi lang kalibugan. Bastos lang ang erotisismo sa bastos na isip.

Saka bumasa si Reuel mula sa lalabas niyang libro, Magdaragat ng Pag-Ibig at Iba Pang Tula ng Pagnanasa (The Seafarer of Love and Other Poems of Desire):

From the botox of my face

To the lipo of my tyan

Nali-lift ang spirit

Sa breast kong pina-enhance.

Dahil sa chemistry, uba’y napaitim;

Pumuti ang balat na dati’y madilim.

Dahil sa engineering napagdugtong-dugtong

Ng tulay ang noo at tungki ng ilong.

Dahil sa physics, gravity ay na-defy

Binatak, umangat, lamang dati’y laylay,

Dahil sa mahika, umarko ang kilay,

Ang sebo sa pata’t bewang ay nalusaw,

Helera ng ngipin ay biglang nagpantay,

Pati dobleng leeg, naging isa na lang.

At naghimala

Ang patay ay nabuhay

Na mga kuko.

Oo nga naman, napa-toast ang tropa. Sa ehemplong tula ni Reuel, ang erotisismo ay tungkol sa lahat ng may kinalaman sa pagsasamahan ng nagmamahalan — pati na ang pagpapa-hitsurang-bata para pansinin pa rin. Pero marami pang pakahulugan sa salita ng damdamin ng lahat ng tao...

(Itutuloy bukas, bilang preview sa launching ng libro ni Reuel sa Biyernes, Sept. 30, 6-9 p.m., sa ’70s Bistro, Anonas St., Project 3, Quezon City.)

ANONAS ST.

BINATAK

BIYERNES

DAHIL

IBA PANG TULA

PERO

QUEZON CITY

REUEL

REUEL AGUILA

SEAFARER OF LOVE AND OTHER POEMS OF DESIRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with