Mga biyaya sa pulot pukyutan
September 25, 2005 | 12:00am
MARAMING benepisyo ang makukuha sa pulot pukyutan (honey). Mataas ang anti-oxidant nito. Mabisa itong pangontra sa impeksyon ng anumang sugat. Ito ay anti-biotic cream din. Pangontra rin sa alergy. Mabisa sa may karamdaman sa kidney. Ipinapayo ang pulot sa mga pasyenteng nagdadialisis. Maraming taglay ang pulot na vitamins, minerals at amino acids. Itoy anti-bacterial at anti-fungal kaya naman marami ang bumibili ng pulot pero ipinapayo ng mga doctor na dapat na mag-ingat at baka naman pekeng pulot ang mabili.
Sa ilang pagkakataon ay tinalakay sa kolum na ito ang tungkol sa honey culture. Malaki ding pagkakitaan ang negosyong ito bagamat mahirap at matrabaho nga lang. Ilan na ang nakilala ko na naging matagumpay sa naturang negosyo. Kung wala kang trabaho o walang masyadong pinagkakaabalahan bakit hindi mo subukang magtayo ng negosyong gaya nito na bukod sa kikita ay malilibang ka pa at marami ka pang matutulungan at mababahaginan ng mga biyayang buhat sa honey.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest