Hindi lang si Maj. Ocden ang buwayang umiikot pati sina Maj. Manalo at Insp. Morata
September 25, 2005 | 12:00am
KALIWAT KANANG raid ang isinasagawa ng Task Force Anti-Gambling (TFAG) ng PNP sa mga pasugalan sa Metro Manila nitong nagdaang mga araw. Kaya lang napapansin ng sambayanan na matapos ang matagumpay na raid ng mga tauhan ni Chief Supt. Florante Baguio eh tuloy pa rin naman ang operation ng mga pasugalan. Ika nga marami nga ang nahuhuli ng TFAG subalit kokonti lang ang dinideklara sa opisina nila sa Camp Crame dahil karamihan pinipitsa na lang ng mga operative nila. Hindi nga para tuluyan nang magsara ang mga pasugalan ang pakay ng TFAG kundi para lang lumaki ang lingguhang intelihensiya nila, di ba mga suki? Kaya malaki ang pagkakamali ni PNP chief Dir. Gen. Arturo Lomibao ang pagtatag nitong TFAG dahil imbes na makatulong sa pagsugpo ng pasugalan, pati sila ay nakain ng sistema. Kaya panay Oplan Pagpapakilala lang ang mga raid ng TFAG: Ika nga pampalaki lang ng intelihensiya. He-he-he! Baka gusto lang punuan ng mga bossing nila sa PNP ang nawalang kita sa jueteng.
Ang isang raid na isinagawa ng taga-TFAG sa pamumuno ni Maj. Ocden ay sa mga video karera ni Ronald Viscara sa Parañaque City. Ayon sa nakalap kong impormasyon, walong makina ang nakumpiska ng tropa ni Ocden. Subalit sa record ng TFAG, dalawang makina lang ang idineklara ni Ocden. At ang anim na makina saan? Usap-usapan sa ngayon sa Southern Police District (SPD) na ang nawawalang mga makina ay inilatag ni Ocden sa Taguig City. At yan ang hinahanap sa ngayon ng mga tauhan ni SPD director Chief Supt. Willy Garcia. Di ba si Ocden ang umatake noon sa opisina ng CIDG sa SPD? Dahil hindi siya naparusahan, pinatunayan lamang ni Ocden na talagang malakas ang bayaw niyang si Sr. Supt. Pat Hernandez, ang dating bagman ni Lomibao. At dahil sa padrino niya na si Hernandez, iniiputan lang ni Ocden si Baguio.
Pero kahit sinasagasaan niya ang makina ni Ronald Viscara, aba hindi naman nahinto ang operation ng mahigit 100 makina nito sa Parañaque City. Ipinagyayabang pa ni Viscara na naayos na niya sa intelihensiya niya sa mga tropa ni Baguio. O, hayan mga suki, maliwanag na ebidensiya ang tinuran ni Viscara na pera-pera lang ang lakad ng mga buwaya ni Baguio, di ba?
Hindi lang si Ocden ang buwayang umikot para kay Baguio. Maging sina Maj. Manalo at Insp. Ed Morata ay nananagasa na rin saan mang lugar sa Metro Manila. Nanghuhuli rin sila ng mga bookies, lotteng, EZ2, ball-alai at iba pang sugal-lupa. Di ba ang TFAG ay itinatag para lang masugpo ang jueteng? Bakit nakikialam pa sa ibang sugal ang mga operatiba ng TFAG? Dahil lang sa pitsa? Tiyak hindi na kakalas sa TFAG si Baguio pagnagkataon, di ba mga suki? Bat pa kukuha ng puwesto si Baguio kung sa lingguhang intelihensiya na ipinaparating nina Ocden, Maj. Manalo at Insp. Morata ay kuntento na siya? Malalim din kaya ang bulsa ni Gen. Baguio tulad ng ibang heneral ng PNP natin na ayaw umalis sa puwesto dahil sa pera? He-he-he! Pitsa-pitsa lang ang laban. Goodbye na lang sa transformation program ni Lomibao. Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended