Kung noon ay kinakailangan pang mag-abroad para lamang magpa-opera at magpaganda, iba na ang sistema ngayon. Nagkalat na ang ibat ibang cosmetic clinic na animoy botika. Pababaan ng presyo at ibat ibang promo ang kanilang gimik upang makaakit ng customer.
Pero problema ang dulot ng mga cosmetic clinics na tulad nito. Hindi lesinsyado at walang sapat na kaa- laman sa cosmetic surgery ang mga doktor kuno na nagsasagawa ng operasyon, tulad na lamang ng ilang mga kasong inilapit sa BITAG.
Karamihan sa mga nagpapakilalang doktor at nagsasagawa ng operasyong pagpapaganda, hindi nagtapos ng kaukulang kurso at hindi miyembro ng kahit anong organisasyong may kinalaman sa cosmetic surgery.
Wala silang pinagkaiba sa mga nagkalat na bogus na doktor at dentista. Mapanganib ang sumailalim sa kanilang operasyon dahil wala silang sapat na kaalaman sa mga gamot na ginagamit nila sa operasyon.
Kayat imbes na gumanda, lalong lumalaki ang problema ng kanilang mga pasyente. Ang simpleng ilong na kanilang pinapatangos, buong mukha ang nagiging problema. Ang resulta, dobleng gastos para sa mga pobreng pasyenteng ang nais lamang ay ang gumanda at umayos ang kanilang hitsura.
Ang masakit pa sa mga bogus na cosmetic surgeon na ito, hindi nila alam kung paano bibigyang solusyon ang kanilang problemang resulta ng kanilang mga eksperemento.
Ika nga, kung alam nila kung paano isagawa ang operasyong pagpapatangos ng ilong at iba pang uring pagpapaganda, hindi nila kayang isaayos ang ano mang masisira o magiging resulta ng kanilang pagreretoke...
Binabalaan namin ang lahat na mag-ingat sa ganitong mga klinika. Maaaring mura sa umpisa pero dobleng gastos naman ang magiging resulta ng inyong panandaliang pag-ganda. Mas makakasiguro kung lalapit sa mga lisensyado at otorisadong mga cosmetic surgeon.