Counterfeit medicines pakulo ng mga terorista
September 19, 2005 | 12:00am
ANG walang katuturang ideyolohiya ng terorismo ay naninira sa sari-saring paraan. Pambobomba, sabotahe, maramihang pagpatay, germ warfare na nagpapakalat ng mikroboyong kumikitil sa tao. Posibleng kasama riyan ang pagsasagawa at pagpapalaganap ng mga pekeng gamot.
Dahil sa paglisaw sa pamilihan ng mga pekeng gamot, maraming may karamdaman ang napapahamak. Namamatay imbes na gumaling dahil walang bisa ang gamot. Lumulubha ang problemang ito sa ating bansa. Isa nang multi-bilyong pisong illegal na industriya na kumikita ng tinatayang P10 bilyon taun-taon. Hindi katakataka na ang malaking kinikitang itoy napupunta sa kamay ng mga terorista para isulong ang kanilang buktot na gawaing wasakin ang sangkatauhan.
Sinasabing maging sa mga botikang may pangalan ay naibebenta na ang mga pekeng gamot na ito. Palibhasay mahirap kilalanin kung ano ang peke sa totoo. Sa hitsura ng gamot at sa packaging ay gayang-gaya ang orig. Malalaman na lang na palsipikado ito kapag napahamak na ang pasyente dahil hindi tumalab sa kanya ang medisinang walang bisa.
Binabalangkas pa ng ating Kongreso ang batas laban sa terorismo. Lohikal para sa akin na iklasipika ang pag-sasagawa at pagbebenta ng pekeng gamot na act of terrorism.
Ang Philippine Pharmaceutical Association (PPHA) at Watson, isang health and beauty retail company ay nagsanib ng lakas para mapuksa ang ganitong katiwalian. Hindi sapat ang ganitong coalition kung wa-lang suporta ang gobyerno.
Katatapos lang ng summit ng mga world leaders sa United Nations Security Council at ang paksa ay ang pagsugpo ng pandaigdig na terorismo. Ang nanguna pa sa pulong ay si Presidente Arroyo. Nanawagan siya sa mga bansa na ibuhos ang buong suporta sa pakikidigma sa terorismo. Sanay ikonsidera ng bawat bansang lumalaban sa terorismo ang pagpapabigat ng parusa sa mga gumagawa, namamahagi at nagbebenta ng pekeng gamot.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 23, 2024 - 12:00am