Noong panahong iyon, maaari na sanang samsamin ni Ramos ang pagiging Presidente, ngunit minabuti niyang paupuin na lamang si Cory, dahil sa kanyang pagsunod sa prinsipyo ng civilian supremacy.
Sa totoo lang, ang pag-upo ni Cory bilang Presidente ay hindi naman talaga naaayon sa 1973 Constitution, ngunit malinaw din naman na ang kanyang itinatag ay isang revolutionary government. Ang nangyari, pinalitan niya ang 1973 Constitution ng 1986 "Freedom Constitution".
Dahil nga revolutionary ang batayan, dineklara na rin ng Supreme Court sa isang serye ng mga decision na legal nga ang gobyerno ni Cory. Ang mga decision na ito ay bahagi na ng ating mga batas at kasing tibay na ito ng katotohanan.
Dahil sa mga legal at historical na batayan, maaari na talagang "ma-invoke" ng AFP ang kanilang tungkulin bilang "Protector of the People", na nakasaad sa 1986 Constitution, kung saka-sakaling mag-decision silang tanggalin si GMA bilang Presidente.
Ayon kay Prof. Randy David, "what ever road we may take, it is now clear to us that a step beyond Gloria is a step in the right direction". Marahil ang ibig niyang sabihin ay tama lang na tanggalin si GMA kahit sa anumang paraan.
Bilang adopted member ng isang PMA Class, hinihikayat ko ang aking mga mistah at cavalier sa AFP at PNP na mag-isip-isip na kung dapat na ba nilang gampanan ang kanilang tungkulin bilang "protector", o di kaya magpabaya na lang sila.