^

PSN Opinyon

Pagkilos ng militar hindi na bago

AMBA’S BRIEFS - Roy Señeres -
ANG pagkilos ng military upang tanggalin ang isang Presidente ay naaayon sa Constitution, at dagdag pa diyan, mayroon na itong legal na batayan. Nagawa ito ng Armed Forces of the Philippines sa pangunguna ni Ginoong Fidel V. Ramos, noong siya ay Chief of Staff pa, sa pamamagitan ng people power noong 1986, nang pinatalsik niya si dating President Ferdinand E. Marcos.

Noong panahong iyon, maaari na sanang samsamin ni Ramos ang pagiging Presidente, ngunit minabuti niyang paupuin na lamang si Cory, dahil sa kanyang pagsunod sa prinsipyo ng civilian supremacy.

Sa totoo lang, ang pag-upo ni Cory bilang Presidente ay hindi naman talaga naaayon sa 1973 Constitution, ngunit malinaw din naman na ang kanyang itinatag ay isang revolutionary government. Ang nangyari, pinalitan niya ang 1973 Constitution ng 1986 "Freedom Constitution".

Dahil nga revolutionary ang batayan, dineklara na rin ng Supreme Court sa isang serye ng mga decision na legal nga ang gobyerno ni Cory. Ang mga decision na ito ay bahagi na ng ating mga batas at kasing tibay na ito ng katotohanan.

Dahil sa mga legal at historical na batayan, maaari na talagang "ma-invoke" ng AFP ang kanilang tungkulin bilang "Protector of the People", na nakasaad sa 1986 Constitution, kung saka-sakaling mag-decision silang tanggalin si GMA bilang Presidente.

Ayon kay Prof. Randy David, "what ever road we may take, it is now clear to us that a step beyond Gloria is a step in the right direction". Marahil ang ibig niyang sabihin ay tama lang na tanggalin si GMA kahit sa anumang paraan.

Bilang adopted member ng isang PMA Class, hinihikayat ko ang aking mga mistah at cavalier sa AFP at PNP na mag-isip-isip na kung dapat na ba nilang gampanan ang kanilang tungkulin bilang "protector", o di kaya magpabaya na lang sila.
* * *
For feedback, call or text Ambassador Señeres at 09224143582, or e-mail [email protected]. The OFW Family Club invites OFWs and family members to join. Call 5267522 or 5267515 or visit http://www.ofwfamilyclub.com

AMBASSADOR SE

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CHIEF OF STAFF

DAHIL

FAMILY CLUB

FREEDOM CONSTITUTION

GINOONG FIDEL V

PRESIDENT FERDINAND E

PROTECTOR OF THE PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with