Hindi lang si Ulic ang palaging bukambibig ni Len Aguado kundi maging ang kapatid niya na si Mel Aguado, na isang pulis-Pasay din. At bunga sa koneksiyon niya, aba nakuhang mag-expand sa Las Piñas City, Pateros, Parañaque City, Taguig City, Cavite at maging sa Rizal. Sino ba ang aayaw na kabo kay Len Aguado eh malaki itong magbigay ng porsiyento? Ang mga pulis kasi natin, kung saan malaki ang kikitain nila, siyempre doon sila kakapit. Kung ayaw ikumpas ni Mayor Trinidad ang kanyang kanang kamay laban kay Len Aguado, itong si Chief Supt. Willy Garcia ng SPD kaya may binisa? He-he-he! Si Ulic lang at si alyas Arnel ang may kasagutan niya, di ba mga suki?
Kaya habang tuluy-tuloy na ang suwerte ni Len Aguado, parami nang parami naman ang tumatambay sa kanya tulad ng mga kolektor ng intelihensiya na sina Boy Pineda, Aguas, Leo Palatao at iba pa. Kaya habang pinapaikutan si Len Aguado ng kapulisan natin dahil sa negosyo niya, hindi napapansin ang kapatid niyang babae na ang lakad umano ay droga. Aba, hindi lang nakasisirang sugal ang iniipot ni Len Aguado sa siyudad ni Trinidad kundi maging droga man, ganun ba yon mga suki? Dapat kumilos na rito si Gen. Garcia bago maging huli ang lahat. Gusto kaya ni Gen. Garcia na lumala muna ang peace and order sa Pasay City bago niya sugpuin ang illegal na gawain ni Len Aguado at kapatid niyang babae? Siguro dapat na rin na itapon ni Garcia sa malayong lugar tulad ng ARMM si Mel Aguado para hindi na rin lumaki ang ulo ng kapatid niyang si Len Aguado.
Kung sabagay, may balita akong si Maj. Ocden, ang bayaw ni Sr. Supt. Pat Hernandez, ang bagman ni PNP chief Dir. Gen. Arturo Lomibao ay nasa Task Force Anti-Gambling na ni Chief Supt. Florante Baguio. Alam kasi ni Maj. Ocden na bata ng kaibigan niyang si Pala-tao si Len Aguado kayat sinisiguro kong hindi niya palalampa-sin ang pagkakataon para makaganti siya. Hala Maj. Ocden Sir, tirahin mo na ang mga butas ni Len Aguado para makatabla ka kay Palatao.
Abangan!