^

PSN Opinyon

Sino bang kabo ang aayaw sa gambling lord na si Len Aguado?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
WALA na talagang pag-asa na maiahon sa taguring ‘‘Sin City’’ ni Mayor Peewee Trinidad ang Pasay City kapag patuloy ang operation doon ng gambling lord na si Len Aguado. Kung si Dagupan-Lingayen Arch. Oscar Cruz ang paniniwalaan, ang sugal kasi ang sumisira sa katauhan at isipan ng mga Pinoy at siyempre kasama riyan ang illegal na negosyo ni Len Aguado na nakabase sa Pinagbarilan at Maricaban sa Pasay City, di ba mga suki? Ayon sa report na natanggap ko, si Aguado pala ang nasa likod ng malaganap na lotteng, bookies ng karera, Jai-alai, EZ 2 at iba pang klaseng sugal sa siyudad ni Trinidad. Ang ipinagmalaki ni Aguado ay si Maj. Rey Ulic, ang Special Operation Unit (SOU) ni Sr. Supt. Rosendo Franco, ang hepe ng pulisya ng Pasay City. Maganda ba ang parating ni Ulic, ha Col. Franco Sir? Kaya walang kaduda-duda na hindi kayang ipatigil ni Mayor Trinidad ang pasugalan ni Len Aguado dahil hindi naman siya susundin ng kapulisan niya dahil nakatimbre sila, di ba mga suki? He-he-he! Sino ba ang ayaw sa grasya sa panahong ito na sarado ang jueteng?

Hindi lang si Ulic ang palaging bukambibig ni Len Aguado kundi maging ang kapatid niya na si Mel Aguado, na isang pulis-Pasay din. At bunga sa koneksiyon niya, aba nakuhang mag-expand sa Las Piñas City, Pateros, Parañaque City, Taguig City, Cavite at maging sa Rizal. Sino ba ang aayaw na kabo kay Len Aguado eh malaki itong magbigay ng porsiyento? Ang mga pulis kasi natin, kung saan malaki ang kikitain nila, siyempre doon sila kakapit. Kung ayaw ikumpas ni Mayor Trinidad ang kanyang kanang kamay laban kay Len Aguado, itong si Chief Supt. Willy Garcia ng SPD kaya may binisa? He-he-he! Si Ulic lang at si alyas Arnel ang may kasagutan niya, di ba mga suki?

Kaya habang tuluy-tuloy na ang suwerte ni Len Aguado, parami nang parami naman ang tumatambay sa kanya tulad ng mga kolektor ng intelihensiya na sina Boy Pineda, Aguas, Leo Palatao at iba pa. Kaya habang pinapaikutan si Len Aguado ng kapulisan natin dahil sa negosyo niya, hindi napapansin ang kapatid niyang babae na ang lakad umano ay droga. Aba, hindi lang nakasisirang sugal ang iniipot ni Len Aguado sa siyudad ni Trinidad kundi maging droga man, ganu’n ba ’yon mga suki? Dapat kumilos na rito si Gen. Garcia bago maging huli ang lahat. Gusto kaya ni Gen. Garcia na lumala muna ang peace and order sa Pasay City bago niya sugpuin ang illegal na gawain ni Len Aguado at kapatid niyang babae? Siguro dapat na rin na itapon ni Garcia sa malayong lugar tulad ng ARMM si Mel Aguado para hindi na rin lumaki ang ulo ng kapatid niyang si Len Aguado.

Kung sabagay, may balita akong si Maj. Ocden, ang bayaw ni Sr. Supt. Pat Hernandez, ang bagman ni PNP chief Dir. Gen. Arturo Lomibao ay nasa Task Force Anti-Gambling na ni Chief Supt. Florante Baguio. Alam kasi ni Maj. Ocden na bata ng kaibigan niyang si Pala-tao si Len Aguado kaya’t sinisiguro kong hindi niya palalampa-sin ang pagkakataon para makaganti siya. Hala Maj. Ocden Sir, tirahin mo na ang mga butas ni Len Aguado para makatabla ka kay Palatao.

Abangan!

AGUADO

CHIEF SUPT

CITY

GARCIA

KAYA

LEN

LEN AGUADO

MAJ

MAYOR TRINIDAD

PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with