Makibahagi sa Coastal Clean-Up Day
September 17, 2005 | 12:00am
NGAYONG Setyembre ay buwan ng pagdiriwang ng maka-kalikasang gawain tulad ng International Coastal Clean-Up Day (ICCUD) at International Day for the Preservation of the Ozone Layer.
Ngayong araw na ito ay ipinagdiriwang ang ika-20 anibersaryo ng ICCUD. Inilaan ang araw na ito upang linisin ang mga basura sa mga baybaying-dagat sa buong mundo, kabilang ang mga lawa at ilog. Ito ay bilang pagpapaalala sa mga mamamayan na pangalagaan ang ating mga baybayin at mga yamang-dagat.
Mahalaga na ating pangalagaan at pagyamanin ang mga karagatan dahil isa ito sa pangunahing pinagkukunan natin ng pagkain. Maliban dito, mahalaga rin ang karagatan sa paglikha ng oxygen at tahanan ito ng humigit-kumulang sa 97 porsiyento ng mga yamang-dagat at mga organismo na napakahalaga sa ating ecosystem.
Noong isang taon, matagumpay na naisagawa ng DENR ang paglilinis sa mga baybayin. Katunayan, nakakolekta ito ng 388,912 kilo ng mga basura mula sa 6,406 kilometro ng baybayin sa buong kapuluan. Subalit, nagpapakita ito na hindi sapat ang kaalaman ng mga tao na ang mga baybayin ay hindi basurahan.
Bilang pagdiriwang sa International Coastal Clean-Up Day ngayong taon, ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay magsasagawa rin ng paglilinis hindi lang sa mga pangunahing baybayin sa Metro Manila at karatig na lalawigan kundi sa mga pangunahing creek tulad ng Paltok at Kalamiong Creeks sa Quezon City, Maytunas Creek sa Mandaluyong, San Juan River sa San Juan at Paco Creek sa Maynila.
Ang paglilinis sa mga creek ay nasa ilalim ng "Linis Estero" program ng DENR kung saan katulong natin dito ang mga lokal na pamahalaan, non-government units, volunteers at mga industriya at mga pribadong sektor. At higit sa lahat, mahigpit naming hinihiling ang aktibong partisipasyon ng mga komunidad na nakatira sa paligid ng mga estero upang mas magiging epektibo ang pamamahala sa paglilinis ng basura at upang maiwasan ang ilegal na pagtatapon ng basura.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 26, 2024 - 12:00am