Dating magkakalaban, magkakampi na vs GMA
September 15, 2005 | 12:00am
MATAPOS ibasura ang tatlong impeachment complaints laban kay President Gloria Macapagal-Arroyo noong Martes, nagsama-sama ang mga taong may ibat ibang tinatahak na lansangan sa pulitika at ideolohiya. Hindi ko maintindihan kung ano ang aking damdamin nang makita silang magkakakapit-bisig.
Kamakailan lang, walang patumanggang binabanatan ni Satur Ocampo si dating President Cory Aquino tungkol sa nangyaring patayan sa Hacienda Luisita. Noong katatapos ang eleksyon ng 2004 nagpupukpukan mula pa sa nomination hanggang eleksyon si Sen. Panfilo Lacson at ang asawa ni FPJ na si Susan Roces.
Kailan lamang mahigpit na magkakalaban sa sina Makati Mayor Jojo Binay, Mayor J.V. Ejercito at ang "Hyatt 10" na tulad ni Dinky Soliman, Ging Deles at Butch Abad. Di ba dating nagkakainitan sa pagdedebate sa Kongreso ang mga kongresistang sina Peter Alan Cayetano, Ronnie Zamora at Chiz Escudero?
Subalit noong Martes, magkakabisig na sila at ang isinisigaw ay ang pagpapatalsik kay GMA. Talaga namang nakagugulat ang nagagawa ng pulitika. Isa na namang patunay ito na walang permanenteng magkakalaban o magkakaibigan sa pulitika. Personal na interes lamang ang tanging nananaig.
Subalit ang pinanlulumo ko ay ang pagsama nina Cory at Susan sa ganitong mga rally. Sana ay huwag na silang magpagamit. Huwag na silang makisali pa sa mga adhikaing makapaghahati-hati sa mamamayan. Magsilbi na lamang silang inspirasyon lalo nat lubog na lubog ang bansa sa kahirapan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest