^

PSN Opinyon

Huwad na titulo

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
ANG NBS ay may titulo (TCT 300861) sa lupang may sukat na 7,465 metro kuadrado. Hawak nila ang duplicate original samantalang ang original ay naka-files sa Register of Deeds ng Q.C. Batay sa nakatala sa nasabing Register of Deeds, itong titulo ay salin mula sa TCT 279564 sa ngalan ng mga tagapagmana ni Simeon Evangelo noong May 23, 1983 kung kailan nabili ito ng NBS sa mga tagapagmana. Ang lupa ay may orihinal na sukat na 8,371 square meters sa ngalan ng lolo ng mga tagapagmana na narehistro noong October 3, 1927 pa (G.L.R.O record 197 vol. T-51 p. 118). Unang tinituluhan ito sa ngalan ng mga tagapagmana noong June 22, 1976. Ngunit noong December 4, 1978 unang pinagbili nila ito sa mag-asawang Nilo at Naty na nakakuha ng TCT No. 2511756. Nang hindi makabayad sa sanla ang mag-asawa, binawi ng mga tagapagmana ang lupa, kaya ito ay natituluhan muli sa ngalan nila sa ilalim ng TCT No. 279564 na nabili ng NBS. Ang nabili ng NBS ay 7,465 square meters lang sapagkat noong 1982 hinati ang lupa at ang 096 sq.m. ay nakumpiska ng gobyerno para sa road widening. Nakapuwesto na ang NBS sa lupa, binayaran ang buwis at nilagyan ng guwardiya.

Laking gulat na lang ng Presidente ng NBS nang nilapitan siya ni Emilia Manalo at pinagbibili sa kanya ang lupang titulado na sa NBS. May pinakita si Emilia na ibang titulo (TCT No. 103022) sa pangalan niya. Lumalabas na ito ay isang titulong binuo muli noong November 9, 1994 kapalit ng TCT 179854 na narehistro noong August 25, 1972 ngunit umano’y nasunog noong June 11, 1988 nang matupok ang Q.C. Hall.

Noong February 28, 1996, nagfile ang NBS sa Regional Trial Court ng paglilinaw ng titulo laban kay Emilia. Samantalang dinidinig ang kaso, binawi naman ng Land Registration Authority ang titulong binuo ni Emilia dahil hindi ito dapat kasama sa mga binuo muli. Sa kabila nito nagdesisyon pa rin ang RTC pabor kay Emilia. Ayon sa RTC ang titulong muling binuo ni Emilia ay narehistro noong Aug. 25, 1972 pa kaya noong nabili ng NBS ang lupa noong May 23, 1983, may babala na ito tungkol sa titulo ng lupa. Tama ba ang RTC?

MALI.
Binubuo muli ang isang titulo kung walang ibang titulo na nasa record ng Register of Deeds. Dito sa kaso, may ibang titulo na nasa file ng Register of Deeds. Ito nga ang TCT No. 300861 sa ngalan ng NBS na hindi naman nasunog nang matupok ang Q.C. Hall nang June 11, 1988. Malinaw sa records ang pinanggalingan ng TCT 300861 mula pa sa orihinal na na-isyu noong October 3, 1927 pa hanggang sa pagkakabili ng NBS. Dokumentado lahat ang mga salinan ng nasabing titulo. At magmula nang matituluhan ito ng NBS sila na ang nakaokupa at nagbabayad ng buwis.

Sa kabilang dako wala namang mapakita si Emilia kundi yung titulo niyang binuong muli at ang tax declaration ng katabing lupa na kinumpiska pa nga ng gobyerno. (Encinas and Balboa vs. National Book Store G.R. 162704 November 19, 2004).

EMILIA

EMILIA MANALO

ENCINAS AND BALBOA

LAND REGISTRATION AUTHORITY

NBS

NOONG

REGISTER OF DEEDS

TCT

TITULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with