Isang avid reader ng Pilipino Star NGAYON (PSN) ang nakabasa sa kolum na ito ng tungkol sa bio-energetic modulation therapy ni Dr. Romy Orteza at Dr. Rey Ramirez sa Santa Teresita General Hospital, D. Tuazon, Q.C. at siya ang nagmungkahi at sinamahan si Mr. Cunanan para sumailalim sa therapy. Makailang sesyon lang ay bumuti na ang pakiramdam niya. Nawala ang pangingitim at pamamaga ng kanyang mga binti at paa. Dati ay madali siyang mapagod at nahihirapang huminga ngunit ngayon ay wala na siyang nadaramang kirot sa dibdib at hindi na humihingal at nakakapag-brisk walking siya sa kanilang subdivision sa umaga. Ang lahat ng sakit niya ay iniugnay sa paglapot ng dugo na naging acidified na nagresulta sa pagbabara ng mga ugat.
Sa karagdagang impormasyon sa bio-energetic modulation therapy tawagan si Dr. Orteza sa 7438767 at 0917-9191660.