Proseso sa pagpili ng project Clean Development Mechanism

NARITO ang halimbawa sa pagpili ng project sa Clean Development Mechanism: Pagsasalin ng mga teknolohiya at kaalaman na matatag at ligtas sa kapaligiran, pangangalaga ng biodiversity at pananatili sa paggamit ng mga yamang likas, pag-ahon sa kahirapan, at pagsunod sa mga batas at alituntuning may kinalaman sa proyekto.

Habang ang pambansang proseso ay umuusad tungo sa pagpapatupad nito, ang mga kalahok sa proyekto na mula sa industriyalisadong bansa ay inaanyayahan na palakihin ang potensyal ng Pilipinas sa Clean Development Mechanism (CDM) na mabawasan ang mga emisyon ng GHG mula sa kagagawan ng tao, o dili kaya’y ang pagpapalaki ng pagbabawas sa tipunan ng GHG sa pamamagitan ng mga karapat-dapat na mga proyekto mula renewable energy, energy efficiency, paglipat ng gatong, pagpapabuti ng mga prosesong pang-industriya pamamahala sa basura, kasama na ang pag-ipon ng methane, pagbubuo ng kagubatan, at pagtatanim para manumbalik ang kagubatan. Dagdag pa rito ang mga proyektong tamang pagsasaka sa larangan ng pagtatanim ng palay at pinag-ibayong paggamit ng pataba.

Katapat nito, ang DENR ay humihimok din sa pribadong sektor sa buong bansa na samantalahin ang mga nasabing oportunidad at umunlad upang makakuha ng isang matatag na karanasan sa lalong madaling panahon. Ito ay sa dahilang ang ating mga karatig bansa sa Asya, tulad ng India, na nakikinabang na sa buting dulot ng CDM. Inaasahang makapaglilinang ang pambansang prosesong ito ng isang kaaya-ayang panahon sa pambansang pagbabago tungo sa isang tunay at likas-kayang kaunlaran sa pamamagitan ng pagpapakilala ng mga bagong pamuhunan sa proyektong may kinalaman sa pagbabawas ng emisyon ng GHG.

Pinasasalamatan ko ang tulong ng gobyerno ng Netherlands, sa pamamagitan ng United Nations Development programme, upang malimbag ang mga alituntunin sa pambansang prosesong ito.

Show comments