No lungs sinampolan ng taga-NAIA Quarantine
September 13, 2005 | 12:00am
HINDI nakuha sa pahimas-himas ni No lungs, ang anay sa NAIA, ang mga taga-NAIA Quarantine dahil kinumpiska nila ang mga assorted food stuff na ipinupuslit sa arrival area.
Ang mga epektos ng mga Japanese nationals na asset ni No lungs ay malayang nakakapasok sa Pinas kahit na walang permiso mula sa Bureau of Plants, Bureau of Fisheries at Bureau of Animals.
Hindi rin ito ibinabayad ng buwis sa gobyerno dahil ang pitsa para dito ay pinaghahatian ng mga galamay ni No lungs. Siyempre, lamang si No lungs sa partihan kaya naman pumapalag ang iba sa kanyang mga kabig, gakulangot lang pala ang ibinibigay nito, samantalang ang usapan sa jumbo shipments niya ay libu-libong piso.
Mga ban items pa ang iba sa inaangkat ng mga Sakang na kasangga ni No lungs tulad ng giant kamoteng kahoy, kung magka-problema ito tiyak patay ang mga farmers ng tekamots, fresh eggs, bawal ito dahil alaws permit from the Bureau of Animals.
Sangkatutak ang masisira sa produkto ng Pinas kung pababayaan ng taga-NAIA Quarantine ang shipment ni No lungs. Bukod sa wala itong mga permits from the different government agencies ay dehins pa ito ibinabayad ng buwis. Sabi nga, sa bulsa ni No lungs sumu-swak ang pitsa!
Matagal nang tinitiktikan ng mga taga-NAIA Quaran- tine si No lungs pero napakadulas nito sa takbuhan, daig pa niya si Asian Sprint Queen Lydia de Vega sa bilis. Ang akala kay No lungs ay si Sorkar, ang magician na naglalahong parang bula dahil halos ganito ang istilo niya na nawawala oras na nagkabayaran na sila ng kanyang mga Sakang na kliyente.
Kaya naman ang umaasa kay No lungs ay luhaang naghihintay sa arrival area ng paliparan. Ganito rin ang istilo ng grupo ni Lt. Mambubukol sa Centennial airport kaya naman inuumpisahan na rin silang bantayan ng taga-Quarantine.
"Kilala si No lungs sa arrival area, sikat siya rito," anang kuwagong manghuhuwad.
"Kung walang ipupuslit, parang mahina si No lungs halos dehins na ito makalakad pero kung may trabaho, mabilis pa siya kay Mercury," sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Ngayon No lungs hindi muna puwedeng sabihin o ipagyabang sa arrival na malakas ka sa Quarantine," sabi ng kuwagong Kotong cop.
"Hindi muna rin puwedeng sabihin sa iyong mga kabaho, este mali, kabaro pala na nilalagyan mo ang mga taga-Quarantine?"
"Ngayon, kamote magsalita ka!"

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 22, 2025 - 12:00am