^

PSN Opinyon

Ang simbahan at ang PAGCOR

- Al G. Pedroche -
LAHAT na yata ng partidong oposisyon sa mga nakalipas na administrasyon ay bumatikos na sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR). Kesyo ginagamit ng administrasyon para tustusan ang sariling interes. Ngunit kapag ang oposisyon ang nalagay sa pamumuno, nakikita nito ang halaga ng PAGCOR sa pangingilak ng pondo. That makes PAGCOR a controversial agency of the government notwithstanding the fact that it is probably among the top revenue generating agency.

Kung naniniwala ang mga politiko na masama ang PAGCOR, dapat matagal nang nabuwag ang ahensya when the former opposition that used to criticize it assumes the leadership of the nation. Pero hindi ito matinag-tinag porke isa sa mga pangunahing pinagkukunan ng pondo ng pamahalaan.

Bumabatikos din sa PAGCOR, lalu na sa panahon ni Chair Efraim Genuino, ang simbahan. And I refer particularly to the Roman Catholic Church. Catholic priests claim to be the guardians of morality and yet they take monetary donations from the institution which they denounce as "immoral" and a "homewrecker." Iyan ay rurok ng pagka-impokrito. May mga obispong aminado na tumatanggap sila ng pera sa PAGCOR. Wala daw masama dahil itinutulong ang donasyon sa mga mahihirap. Kapag sila ang tumatanggap, "walang masama." Pero kapag nakasilip sila ng mga Kongresista at ibang opisyal na tumatanggap ng donasyon mula sa PAGCOR para sa kanilang constituents, "imoral" ang batikos nila rito.

Buti pa si Bro. Eddie Villanueva ng Jesus is Lord Church. Sabi niya sa akin nung siya’y kumakandidato sa pagka-pangulo, kung papalaring magwagi ay rerepormahin niya ang PAGCOR at hahanapan ng ibang mapagkakakitahan maliban sa sugal which is a biblical taboo. Pero aminado siya na hindi basta-basta mabubuwag ang PAGCOR na isang constitutionally mandated institution.

Ang mga naglalaro sa PAGCOR casino ay mga mayayaman na may ways and means para sa maluhong dibersyon. Ang bilyon-bilyong pisong kinikita ay napupunta sa mga social projects ng pamahalaan tulad ng pagtatayo ng mga lansangan, paaralan at ibang programang makapagsisilbi sa kapakanan ng mga maralita. Hindi ubrang magsugal dito ang mga mahihirap dahil kapos sa pisi kaya paanong mapapatunayan ni Archbishop Oscar Cruz ang kanyang tuligsa sa PAGCOR na ito’y humuhuthot sa salapi ng mga mahirap na nagiging adik sa sugal?

Okay ang pagpapahayag ng mga social concerns kung tapat ang iyong layunin. Pero kung ito’y may halong pulitika, palso saan mang anggulo silipin.

ARCHBISHOP OSCAR CRUZ

CHAIR EFRAIM GENUINO

EDDIE VILLANUEVA

LORD CHURCH

PAGCOR

PERO

PHILIPPINE AMUSEMENT AND GAMING CORP

ROMAN CATHOLIC CHURCH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with