Ang ibig sabihin ng terminong "sovereign" sa isang monarchy ay ang hari o di kaya emperador. Sa isang demokrasya na katulad ng Pilipinas, ang "sovereign" ay ang taumbayan at hindi ang Pangulo. Ang sabi sa Constitution, "sovereignty resides in the people and all government authority emanates from them."
Sa madaling sabi, ang mga terminong "people" at "sovereignty" ay iisa ang ibig sabihin sa isang demokrasya. Ayon sa Websters New World Dictionary, pareho itong dalawang termino na "supreme and independent political authority". Sumatotal, ang "supreme" at "independent" political authority sa Pilipinas ay ang mga tao, at hindi si GMA.
Dahil naliwanagan na tayo na ang totoong "sovereign" ay ang mga tao at hindi si GMA, dapat maging malinaw na rin sa atin na ang ibig sabihin ng Constitution ay ang dapat bigyan ng protection ng AFP ay ang taumbayan, at hindi ang nag-iisang tao lamang, lalung-lalo na kung ang nag-iisang tao na yan ay lumalabag na sa batas at isa palang mandaraya.
Balikan natin si Lt. Gen. Edilberto Adan, dahil sa sinabi niyang mayroon daw "chain of command" sa AFP, at susundin daw nila ang lahat na "legitimate commands". Dapat pa bang sundin ng military ang mga utos ni GMA kung ang mga ito hindi na maganda para sa taumbayan, at para lamang sa sariling pakinabang ni GMA at sa kanyang pamilya?
Papaano naman yan kung ang sinusunod ng AFP ngayon ay isa palang pekeng president? Di ba parang binitiwan na rin ni GMA ang pagiging "nanay" ng bansa dahil sa kanyang pagsisinungaling?