Magtipid sa tubig itong bayang sinta;
Kaya panawagan ng pitak sa madla
Ang ugaling ito ay gawin tuwina!
Pagkat mahalaga sa lahat ng bagay
Tayo ay magtipid sa tubig ng buhay;
Kahit pa sagana sa kanin at ulam
Kung wala ang tubig tayoy mamamatay!
Magtipid ng tubig ay hindi masama
Kahit pa sabihing tayo ay sagana;
Sa panahong ito na tayoy salanta
Magtipid ay isang gawang pambihira!
Noong araw tayoy sagana sa tubig
Itoy likas-yamang bukal na malinis;
Magdukal ka lamang tubig ay pupuslit
Na sa ating lahat biyaya ng langit!
Pero nag-iba na ang takbo ng buhay
Ang saganang tubig ayaw nang bumukal;
Sa dami ng taong ngayoy nabubuhay
Nakukuhang tubig karampot na lamang!
Ang sikat ng araw at ihip ng hangin
Tayoy napapaso kapag dumarating;
Hindi tulad noon - kung gabing madilim
Kay sarap ng weather - tulog ay mahimbing!
Dahil sa ang taoy lalong dumarami,
Tubig na malinis nagiging marumi;
Marami ng bansa sa tubig ay sawi
At ang "global warming" ay banta palagi!
Kaya nga ang dapat tayo ay magtipid
Sa tulo ng gripo kahit gagabinlid;
Bawat patak nito ay dugong malinis
Na sa ugat natiy dadaloy na pilit!