^

PSN Opinyon

Kaso vs insurance company

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
NAGSAMPA ng kaso si Cora sa isang insurance company (IC) upang bayaran siya ng danyos at ibalik ang mga premium na naibayad. Sa kanyang complaint sinabi niya na ang IC ay maaaring padalhan ng summons sa kanilang opisina sa Davao City. Tinanggap nga ng Insurance Service Officer sa Davao ang nasabing summons.

Hiniling naman ng IC na idismiss ang kaso dahil mali raw ang pagpapadala ng summons. Ayon daw sa Section 11, Rule 14 of the Rules of Court, daapt ipinadala ang summons sa Presidente, managing partner, general manager, treasurer, corporate secretary o in-house counsel. Dahil dito, inamend ni Cora ang kanyang complaint at sinaad na ang IC ay maaaring padalhan ng summons sa Presidente nito o iba pang mga opisyales sa kanilang head office sa Manila.

Samantala, hindi binigay ng RTC ang kahilingan ng IC na idismiss ang kaso. Ayon sa RTC ang maling pagpadala ng summons ay hindi batayan upang idismiss ang kaso. Kailangan lang na magpalabas ng alias summons. Kayat nagpalabas nga ng alias summons ang RTC at ito naman ay natanggap na ng IC sa Maynila. Ngunit ayon sa IC dapat pa rin daw idismiss ang kaso ni Cora dahil sa maling pagpadala ng summons. Hindi raw dapat nag-issue ng alias summons ang RTC dahil ito raw ay pinalalabas lang kung ang orihinal na summons ay hindi napadala o kaya’y nawala. Dito sa kaso mali lang ang pagpapadala ng summons. Tama ba ang IC?

MALI.
Ang maling padala ng summons ay hindi sapat na batayan upang idismiss ang kaso. Mahirap yatang isipin na ang isang demandado ay basta na lang haharap sa husgado at hihilinging idismiss ang kaso sapagkat mali ang pagpadala sa kanya ng summons samantalang napadalhan na rin naman siya ng alias summons kaya nga siya nakaharap sa kaso. Sa puntong teknikal ang alias summons ay masasabing panibagong summons dahil nga na amend na ang complaint ni Cora. Hindi mahalaga kung ang pangalawang summons ay turinging alias o new summons. Ang mahalaga ay natanggap na ito ng IC. (Philamlife vs. Breva, GR 147937), November 11, 2004)

vuukle comment

ALIAS

AYON

DAHIL

DAVAO

DAVAO CITY

DITO

INSURANCE SERVICE OFFICER

KASO

RULES OF COURT

SUMMONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with