DENR, DOH nag-isyu ng pamantayan sa pamamahala ng hospital wastes
September 7, 2005 | 12:00am
Sa nasabing Order, walong pangunahing health care waste generators ang tinukoy kabilang na ang mga pagamutan, infirmaries, mga paanakan, mga laboratoryo sa klinika, mga pagawaan ng gamot, morge at mga autopsy centers, institusyong nagsisilbing paaralan para sa doctor, dentista, medical technology interns, x-ray technicians, nursing, homes, training centers sa mga nag-eembalsamo at mga drug rehabilitation centers. Kasama rin sa JAO bilang mga waste generators, ang mga dental at veterinary clinics, drug testing centers, at mga HIV testing laboratories.
Ang DOH naman ang mamamahala sa pagsasagawa ng mga pagsasanay hinggil sa Health Care Waste Management Program (HCWMP). Tutulungan din ng DOH ang mga pagamutan sa pagbuo ng isang plano para sa epektibong emplementasyon ng kani-kanilang HCWMP. Kung kayat ang plano para sa HCWMP ay isa ng requirement para sa pag-isyu o pagrenew ng mga license to operate ng mga pagamutan.
Ayon sa pag-aaral ng DOH, tinatayang may 2,068 ospital sa buong Pilipinas, kasama na ang 71 ospital sa ilalim ng DOH, na nakakalikha ng tinatayang 28 tone-lada ng wastes sa bawat araw.
Ang DENR at DOH ay kumikilala sa health care waste bilang katangi-tanging uri ng basura kung kayat ganoon na lamang ang pagpapahalaga namin sa Joint Administrative Order na ito upang mapangalagaan ang kalusugan at kapaligiran mula sa mga masamang epektong maaaring idulot sa hindi maayos na pagtatapon, pag-iimbak ng mga ito.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended