Paghahamon ni Richard Tabila, hindi inatrasan ng BITAG
September 7, 2005 | 12:00am
HINDI estilo ng BITAG ang magyabang sa bawat operasyong aming tinatrabaho. Marunong kaming makisama at maawa hindi lamang sa mga biktima ngunit maging sa mga suspek din. Para sa amin, trabaho lamang ito, walang personalan.
Matapos mailahad ng BITAG nitong nakaraang linggo ang milagrong nangyayari sa Yahweh El Elohim na pag-aari ng dating pari na si Richard Tabila, panibagong kahihiyan ang muling hinarap ng nagpakilalang dating pari.
Paghahamon sa BITAG ang binitiwang salita ni Tabila matapos nitong gulpihin at pagtangkaang gahasain ang kanyang personal na sekretarya na kanyang pinagbintangang mata ng BITAG sa loob ng kanyang opisina.
Sa totoo lang, mga biktima ng panloloko ni Richard Tabila at ng Yahweh El Elohim ang lumapit at nagsumbong sa BITAG, hindi ang kanyang sariling mga empleyado.
Wala raw siyang kinakatakutan at kahit sino raw ay hindi uubra sa kanya. Tsk-tsk-tsk! Talagang walang kadala-dala si Tabila.
Kung tutuusin, dapat ay nanahimik na lamang si Tabila tulad ng kanyang ginawa noong una niyang makaharap ang BITAG.
Matatandaan, sing amo ng tupa si Tabila na nangako sa BITAG na kusang babaguhin ang kanyang bistado ng bulok na modus.
Pero sumbong ng mga empleyado nitong mapagpanggap na si Tabila, lahat daw sila ay sinisisi nito dahil sa kahihi- yang kanyang inabot sa BITAG na resulta na rin sa kanyang panloloko sa mga pobreng aplikante.
Hindi inatrasan ng BITAG ang hamong ito ni Tabila. Dahil na rin sa pananakit sa kanyang sariling sekretarya, kilos prontong umaksyon ang BITAG at hinarap ang matapang na si Tabila.
Kasama ang ilang operatiba ng Womens Desk ng Caloocan Police, walang nagawa si Tabila sa muli niyang pagharap sa BITAG. diretso siya sa kala-boso at kasalukuyan ngayong naghihimas ng malamig na rehas.
Hotline numbers para sa mga tips o anumang uring katiwalian, i-text sa 0918-9346417 o tumawag sa mga numerong ito 932-8919/932-5310 BAHALA SI TULFO 9:00-10:30 a.m., UNTV 37, Simulcast DZME 1530 kHz 9:00-10:00 a.m.
Matapos mailahad ng BITAG nitong nakaraang linggo ang milagrong nangyayari sa Yahweh El Elohim na pag-aari ng dating pari na si Richard Tabila, panibagong kahihiyan ang muling hinarap ng nagpakilalang dating pari.
Paghahamon sa BITAG ang binitiwang salita ni Tabila matapos nitong gulpihin at pagtangkaang gahasain ang kanyang personal na sekretarya na kanyang pinagbintangang mata ng BITAG sa loob ng kanyang opisina.
Sa totoo lang, mga biktima ng panloloko ni Richard Tabila at ng Yahweh El Elohim ang lumapit at nagsumbong sa BITAG, hindi ang kanyang sariling mga empleyado.
Wala raw siyang kinakatakutan at kahit sino raw ay hindi uubra sa kanya. Tsk-tsk-tsk! Talagang walang kadala-dala si Tabila.
Kung tutuusin, dapat ay nanahimik na lamang si Tabila tulad ng kanyang ginawa noong una niyang makaharap ang BITAG.
Matatandaan, sing amo ng tupa si Tabila na nangako sa BITAG na kusang babaguhin ang kanyang bistado ng bulok na modus.
Pero sumbong ng mga empleyado nitong mapagpanggap na si Tabila, lahat daw sila ay sinisisi nito dahil sa kahihi- yang kanyang inabot sa BITAG na resulta na rin sa kanyang panloloko sa mga pobreng aplikante.
Hindi inatrasan ng BITAG ang hamong ito ni Tabila. Dahil na rin sa pananakit sa kanyang sariling sekretarya, kilos prontong umaksyon ang BITAG at hinarap ang matapang na si Tabila.
Kasama ang ilang operatiba ng Womens Desk ng Caloocan Police, walang nagawa si Tabila sa muli niyang pagharap sa BITAG. diretso siya sa kala-boso at kasalukuyan ngayong naghihimas ng malamig na rehas.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended