^

PSN Opinyon

Hindi lang panlupa ang pagpupulitika

SAPOL - Jarius Bondoc -
MISKI propesor ng History, mahihirapan ipaliwanag itong labis na pagdikit ng tadhana ng dalawang Presidente ng Amerika, sina Abraham Lincoln at John Kennedy, na 100 taon ang pagitan:

Si Lincoln, nahalal sa Kongreso nu’ng 1846; si Kennedy, nu’ng 1946. Naging Presidente si Lincoln nu’ng 1860; si Kennedy, nu’ng 1960. Kapwa sila abala sa pagsulong ng karapatang sibil, lalo na ng mga Negro. Ang mga asawa nila, parehong namatayan ng anak sa White House. Parehong pinatay sina Lincoln at Kennedy habang nasa puwesto, at parehong Biyernes. Parehong binaril sa ulo.

Tila koinsidente lang lahat? Heto pa:

Ang apelyido ng sekretarya ni Lincoln ay Kennedy; ang sekretarya ni Kennedy ay Lincoln. Ang pumaslang sa kanila, parehong taga-South. At ang pumalit sa kanila’y pareho rin taga-South na ang apelyido’y Johnson. Si Andrew Johnson na humalili kay Lincoln ay pinanganak nu’ng 1808; si Lyndon Johnson na pumalit kay Kennedy ay nu’ng 1908. Si John Wilkes Booth na pumatay kay Lincoln ay sinilang nu’ng 1839; si Lee Harvey Oswald na pumatay kay Kennedy, nu’ng 1939. Pareho silang kilala sa tatlong pangalan, at parehong tig-15 letra.

Tiyak, hindi na koinsidente ang mga ito:

Si Lincoln, pinatay sa Ford Theater; si Kennedy, pinatay nang sakay sa Ford limousine. Pagkabaril kay Lincoln sa teatro, tumakbo ang salarin sa isang bodega. Pagkabaril kay Kennedy mula sa isang bodega, nagtago ang salarin sa isang teatro. Parehong pinaslang sina Booth at Oswald bago maisakdal. Isang linggo bago mapatay si Lincoln, pumasyal siya sa Monroe, Maryland. Isang linggo bago mapatay si Kennedy, nasa piling siya ni Marilyn Monroe.

Malinaw sa pagkakabuhol ng tadhana nina Lincoln at Kennedy na may mga mahiwagang puwersang nagbabantay sa mga lider-politika. Ang puwersang ito ay nasa Kalangitan. Kaya dapat lang magpakatino ang mga pulitiko, dahil lahat ng kilos nila ay hindi lang panlupa.

ABRAHAM LINCOLN

FORD THEATER

ISANG

JOHN KENNEDY

KENNEDY

LEE HARVEY OSWALD

LINCOLN

LYNDON JOHNSON

PAREHONG

SI LINCOLN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with