DENR, DOH nag-isyu ng pamantayan sa pamamahala ng hospital wastes
September 5, 2005 | 12:00am
Ang paglagdang ito ay ang pinakamataas na antas ng pagsisikap ng dalawang ahensiya na nagsimula noong taong 2003 para malutas ang tumataas na bulto ng basura sa ating bansa, at ang pamamahala ng hospital wastes ay isa sa mga matinding hamon na kinakaharap ng kanyang ahensiya.
Sa panig naman ng DOH, sinabi nila na ang Pilipinas ay kasamang lumagda sa Bangkok Charter on the Global Conference for the Promotion of Health. Ang dokumentadong ito ay panawagan sa 100 kalahok na bansa na magpatuloy sa magkaparehong layunin na mapabuti ang pamamahala at mga estratehiya ukol sa kalusugan sa pamamagitan ng wastong paghawak, pag-imbak, maayos na pakikitungo sa kalinisan at pagtatapon ng hospital wastes.
Sa isang masusing pag-aaral na ginawa ng Asian Development Bank, ipinakita na kapag pinabayaang sugpuin ang dumi na galing sa mga pagamutan sa Metro Manila, tataas ng mga 55 tonelada bawat araw pagdatinig ng taong 2010 mula sa kasalukuyang tinatayang 47 tonelada bawat araw.
Kabilang sa mga responsibilidad na ipinataw sa DENR na tinukoy sa JAO, sa pamamagitan ng Environmental Management Bureau (EMB), ay ang pamumuno sa paggawad ng mga kaukulang environmental permits para sa mga kompanyang kasama sa paghahawak, pag-iimbak, paglilinis, at pagtatapon ng dumi mula sa mga pagamutan. Kasama rin sa tagubilin ang tuluy-tuloy na pagmo-monitor sa pagsunod sa mga kaukulang itinakda ng DENR ng kabilang sa programa ng pamamahala ng hospital waste katulad ng hospital waste generators; transporters; treatment, storage and disposal (TSD) facilities at ang disposal facility operators.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended