^

PSN Opinyon

Mag-ingat sa leptospirosis

-
BANTAY KAPWA Ni Cielito "Mahal" Del Mundo

BUKOD sa dengue, nagbabala ang Department of Health (DOH) na dapat mag-ingat din sa leptospirosis lalo’t madalas ang pag-ulan na nagdudulot ng baha. Para sa mga hindi gaanong nakababatid ang leptospirosis ay isang karamdaman na buhat sa ihi ng daga na nahahalo sa tubig-baha.

Ang mga sintomas ng leptospirosis ay ang pananakit ng likod, hita at kalamnan. Sumasakit din ang ulo at sikmura na nauuwi sa pagsusuka, nilalagnat at may mga rashes at nagkakapantal-pantal ang balat.

Nanawagan si DOH Secretary Francisco Duque III na hangga’t maaari ay iwasang magtampisaw sa tubig-baha. Sinabi pa ni Duque na magsuot ng guwantes at botas kapag naglulunoy sa tubig-baha. Delikado na mabasa ang sugat sa paa at sa alinmang parte ng katawan.

Umaabot sa tatlong linggo ang gamutan sa mga tinamaan ng leptospirosis at may mga naiulat na ring kaso ng mga namatay sa sakit na ito. Nakikiisa ang BANTAY KAPWA sa pagpapaala-ala sa taumbayan para maiwasan ang leptospirosis.

DEL MUNDO

DELIKADO

DEPARTMENT OF HEALTH

DUQUE

NAKIKIISA

NANAWAGAN

NI CIELITO

SECRETARY FRANCISCO DUQUE

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with