Unang palatandaan ng eclampsia ay ang pagtaas ng blood pressure, pananakit ng ulo, pamamaga ng bukung-bukong at ang hindi maipaliwanag na pagbigat ng timbang. Ang eclampsia ay makukumpirma kapag nakita sa ihi ang protein. Kapag hindi nagamot ang eclampsia, kasunod na rito ang convulsion. Kadalasang natutuklasan ang eclampsia kung ito ay nasa early stages kaya ang tawag dito ay pre-eclampsia.
Nararapat ang lubusang pamamahinga sa may eclampsia at ang maingat na pagmonitor sa fetus. Kapag lumala ang sitwasyon, dapat nang isagawa ang emergency Caesarian section sa ina.
Walang katotohanan na namamana ang eclampsia. Inirerekomenda sa mga nagbubuntis na ireport sa midwife o doktor ang mga kondisyon o history sa kanyang pamilya.
Ipinapayo sa mga kababaihan na mag-take ng normal salt diet at uminom nang maraming tubig. Ang matinding kumplikasyon ng eclampsia ay pagbaba ng platelet count ng dugo kung saan nagiging dahilan ng blood clotting. Ang eclampsia ay maaari rin namang umatake ilang araw matapos makapanganak pero 25 percent lamang ang nangyayaring ganito.