^

PSN Opinyon

Tama ngunit balewala

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
SI Enteng at Ana ay may-ari ng lupang may sukat na 19 hektarya na ang bahagi ng inuupahan at sinasaka ni Tino. Hinati nila ito at ang isang bahaging may sukat na 8.2 hectares kung saan nagsasaka si Tino (Lot 4-C) ay binigay nila sa kanilang anak na si Corita. Kaya patuloy pa ring inupahan ni Tino ang 3.7 hectares ng lot 4-C ni Corita. Noong March 1, 1977 pumirma pa ang dalawa sa isang Contract of Lease. Samantala, ang isa pang bahagi ng lupa na may sukat na 2.1 hectares (lot 4-E) ay sinalin ni Enteng at Ana kay Tony. Kaya natituluhan ni Tony ang lot 4-E at siya na ang nagbayad ng taxes nito na may assessed value na P8,300 ayon sa tax declaration.

Noong July 13, 1982, sumailalim sa land reform ang lupa nina Enteng at Ana. Isa sa nakinabang dito ay si Tino at ang asawa niya. Nabigyan ang asawa ni Tino ng Certificate of Land Transfer. Batay sa certificate na ito nilipat ni Tino ang bahay nila sa lot 4-E ni Tony. Ayon kay Tino, ang lot 4-E daw ay dating kina Enteng at Ana na na-land reform at napunta sa kanila.

Tumutol si Tony. Hindi raw yung lot 4-E ang na-land reform kundi yung bahagi ng lot 4-C ni Corita na sinasaka nila Tino. Kayat pinaalis niya kay Tino ang bahay nito sa lot 4-E niya. At nang hindi umalis si Tino, nagsampa si Tony ng kaso sa Regional Trial Court upang mabawi ang lupa niya kay Tino at bayaran siya ni Tino ng danyos. Hiniling naman ni Tino na idismis ang kaso dahil wala raw hurisdiksyon ang RTC. Ang usapin daw nila ay pansakahan, kaya ang may hurisdiksyon dito ay ang Departamento ng Agraryo.

Ngunit hindi dinismis ng RTC ang kaso. Ayon sa RTC may hurisdiksyon ito sa kaso dahil ang relasyong pansakahan daw ay sa pagitan ni Tino at Corita kung kanino siya namumuwis, at hindi sa pagitan ni Tino at Tony. Ang usapin daw tungkol sa kung sino ang may karapatan sa lot 4-E ay hindi usaping ang agraryo. Kaya pinaalis ng RTC si Tino sa lot 4-E ni Tony at pinagbabayad ito ng danyos. Tama ba ang RTC?

Tama ang RTC na sabihing wala ngang hurisdiksyon ang Departamento ng Agraryo dahil ang usapin sa pagitan ni Tony at Tino ay hindi usaping pansakahan. Ang lupang sinasaka ni Tino ay yung lot 4-C na napunta kay Corita at di lot 4-E na napunta kay Tino.

Ngunit wala ring hurisdiksyon ang RTC sa kaso. Ayon sa RA 7691, may hurisdiksyon lang ang RTC sa kaso tungkol sa pamumusisyon ng isang lupain kung ang assessed value ng lupa ay mahigit sa P20,000 (o P50,000 kung ang lupa ay nasa Metro Manila). Dito sa kaso walang nakalagay sa complaint ni Tony kung magkano ang assessed value ng lupa ay P8,300 lang. Dahil walang hurisdiksyon ang RTC na dinggin ang kaso, ang desisyon nito ay bale wala (Laresma vs. Abellana, G.R. 140973, Nov. 11, 2004).

AGRARYO

AYON

CERTIFICATE OF LAND TRANSFER

ENTENG

KASO

KAYA

LOT

RTC

TINO

TONY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with